CHLOE'S INBOX
It will not be easy but it’s worth it
February 11, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Good afternoon need ko sana ng advice. Single DAD po ako iniwan na kasi kami ng mama ng anak ko. Four (4) years old na siya, DJ Chloe, babae. Taga San Jose Del Monte City, Bulacan pala ako. Nagtatrabaho ako bilang house boy. Ang problema ko DJ Chloe ay gusto ng kapatid ng amo ko na sa kanya nalang daw ang anak ko para may future daw sa kanya at pwede ko naman daw dalawin kung gusto ko. Naguguluhan ako, DJ Chloe, kung papayag ba ako or hindi naaawa kasi ako sa anak ko. Please advice, DJ, salamat. And more power.
Hi Single Dad!!!
You know in this life, it’s easy to choose what’s easy, and not what’s right. But I am so sure your situation is not easy. Kung minsan talaga pag mahirap na, minsan gusto na lang natin sukuan na, ‘di ba? Pero kuya, nag-iisa lang naman yata ‘yang anak mo na itinataguyod mo. Iniwan na nga siya ng nanay niya, ipamimigay mo pa? Kuya naman, ‘wag ganun. Baldado po ba tayo? Hindi na po ba natin kayang magtrabaho, gumalaw? Wala na po ba tayong pag-asa sa buhay? ‘Wag ganun, kuya. Hindi po ‘yan tuta na p’wedeng ipamigay na lang basta-basta. Ang dami ko pong nakikilala sa pag sakay-sakay ko sa Grab na mga dakilang ama na nagta-trabaho ng regular jobs tapos rumaraket pa sa Grab para lang mabuhay mga anak nila. Ang daming babae na iniwanan ng mga ama ng anak nila, pero pilit iginagapang ang mga anak nila mag-isa. Igapang niyo po ‘yang anak niyo, at ‘yan po ang magiging pinakamagandang investment niyo sa buhay na ito. Pagdating ng araw ‘di ka niyan pababayaan. Above all, matuto po tayong tumawag sa Panginoon because He will give us the wisdom to know what to do and the strength to carry on. Isa lang po ‘yan, kuya, kakayanin niyo ‘yan.
-
COMMENTS















