It Will Take Time And Prayers
X

CHLOE'S INBOX

It Will Take Time And Prayers

January 18, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX----IT-WILL-TAKE-TIME-AND-PRAYERS

    Magandang tanghali, DJ Chloe!

    Call me Zha. 10 years na kami nagsasama ng asawa ko and last July 2016 nagdecide na kami magpakasal. May dalawang anak na kami.

    My problem is babaero po ang asawa ko. Isa siyang cargo truck driver. Sympre kung saan-saan po byahe niya. Palagi ko na lang nahuhulihan na may mga babae pala siyang tinetext.

    ‘Yung mga tindera sa mga kinakainan niya. Kapag nahuhuli ko siya sa text lagi niyang dine-deny. Napakasakit po para sa’kin ang ginagawa niya. Pag may magustuhan siyang babae talaga pong kinukuha niya ang number. Kapag umuuwi na sa’min nasa block list na mga numbers. Sabi niya mahal niya ako pero parang ngayon po napuno na ako at nagsabi na ako na maghiwalay na kami. DJ Chloe, tanga ba ako dahil kahit ginaganun na ako ng asawa ko eh tinatanggap ko pa rin siya? Dinadaan ko na lang po sa iyak. Thank you po.

    Zha

    Dear Zha,

    10 years kayong nagsasama bago kayo nagpakasal ng July 2016?  Babaero pala eh. Bakit nagpakasal ka pa?

    Ngayon, gusto mo humiwalay. Pagkatapos mong gawing legal ang pag durusa mo?

    ‘Yang pagiging babaero ng asawa mo, langit lang makakapag pabago d’yan, pinakasalan mo kahit babaero so anong nirereklamo mo?

    I am sure before you decided to get married, makailang beses mo na ‘yang nahuli. Pinakasalan mo hoping na magbabago at para kahit pano, sa pakiramdam mo eh mambabae man siya at least sa’yo umuuwi, ‘di ba?

    Walang ibang solusyon d’yan kundi ang magtiis ka ulit ng another 10 years. Sabay dasal araw-araw na baguhin ng Diyos ang asawa mo habang nanantili kang mabuting asawa. At manalangin ka rin na hindi ka magkasakit dahil babaero siya or tuluyan kang iwan dahil sa iba.

    Or kung hindi mo na kaya, kausapin mo ng maayos, bigyan mo ng ultimatum and walk away for good.

    Walang magagawa ang pag-iyak mo. Kahit lumuha ka ng dugo, habang walang Diyos sa puso ‘yan, tuloy ang gawain niyang ganyan.

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.