It's Time To Let Go And Face The Present
X

CHLOE'S INBOX

It’s Time To Let Go And Face The Present

January 29, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IT'S-TIME-TO-LET-GO

    Dear DJ Chloe,

    Good day po! I’m one of your followers, I’ve enjoyed reading the stories you are publishing and of course ‘yung super real mong advice. Maka-mulat mata ‘yun dating. Pero never in my wildest dreams na pumasok sa isip ko na isa ‘ko sa mga susulat sa’yo. Hopefully, ma-feature ‘yung story ko. Or if not po kahit advice lang po. This is a fake account po for security reasons. My name is Reena, I’m married for three (3) years and may isang anak. ‘Yung love story namin ni hubby is super bilis. Naging kami and after three (3) months we got engaged. Then seven (7) months of being in a relationship, nagpakasal na kami.

    I’m not totally super in love, pero I admire him physically, for being family-oriented, mature enough, and sense of responsibility. In short naka all-in package na ‘ko. Good provider as well. Ang problema is ako. Nakipagrelasyon ako sa husband ko ng hindi pa ko nakakamove on sa past ko, I mean mahal ko pa si past. Nakipaghiwalay ako sa ex ko although mahal ko siya kasi natatakot ako sa parents ko. ‘Di ko sila kaya madisappoint dahil ‘yun ex ko po is kasal at may anak pero hiwalay naman na sila pero not legally. Basta both sides, usapan verbally, na tapos na and wala ng pakialamanan. Nabangit ko sa mother ko na I’m in a relationship that time at nabanggit ko din na ganun ang sitwasyon. And ‘yun nga hindi nagustuhan ‘yung nalaman niya at pagnalaman pa daw ng father ko baka magkagulo pa. Para daw akong kumuha ng bato o martilyo na ipupukpok sa ulo ko. May iba naman daw nanliligaw, walang sabit, mag-isip daw ako. Opo, lumaki ako sa pamilyang may rules at may pagkadisciplinarian at tanggap ko po ‘yun. At lumaki kaming magkakapatid na maayos. Tingin sa lugar namin perfect na anak kami ng kuya ko sa school, sa bahay, at trabaho ay reponsable kami. Sobrang mahal ko ang magulang ko, sila ang priority ko sa lahat ng decision ko. Fast forward po, sakto that time ako ‘yung topic sa work ko almost lahat ng branches talk-of-town ako nu’ng nalaman nila kung sino ‘yung boyfriend ko, since sister company lang kami.

    Manager ako before sa work ko and kilala sa halos lahat ng branches, may isang common friend kami ni ex at sinabihan ako na why sa dami eh siya pa. Lugi daw ako sa sitwasyon, maganda daw ako at single bakit daw ako kumuha ng may sabit, madami naman daw iba. Every now and then ganun na lang ang issue. Parang ‘di ko kinaya. Sakto nu’ng time na ‘yun dumating ‘yun guy na naging husband ko ngayon. Niligawan niya ko for a couple of months. Sabi ko sa sarili ko baka eto ‘yung right guy for me. Tinapos ko ‘yung relationship I had with my ex-boyfriend para matigil na lahat ng issues. It was a very tough decision kasi mahal ko siya pero I have to. Sobrang sakit nu’ng tinapos ko ‘yun lalo na ‘yung nakikita ko siyang nawala sa sarili, bumagsak ‘yung katawan at nababalitaan ko laging nasa inuman para makalimot. Then after break-up kay ex mga ilang buwan nga may bago na kong boyfriend who is ‘yung husband ko ngayon. Alam ko naman hindi ko pinili si ex kasi sobrang natakot ako at sabi ko pwede naman ako magbuild ng sarili ko na ako ‘yung legal, ‘yung walang issues. At ‘yun, time flies so fast minahal ko na si husband in the process at nagka-anak kami. Kaso honestly deep in me, alam ko na mahal ko si ex pero on my own na lang. I cherished the memories we had. One time, nagtext siya sa’kin to greet me a happy birthday. He got my number from our common friend, nagkaroon ng chance ako to aske for an apology and he said, “Naiintindihan ko, mahal mo ‘yung magulang mo. Basta alam mo kung gaano kita kamahal at mahal pa din kita.” Super saya po ako nu’ng nagkaroon kami ng chance makapag-usap. Pero ‘di ko sinabi sa kanya bagkus sabi ko, “So this is it. Nagtagpo ulit tayo para makapagpatawaran, magkaliwanagan, at sabi ko dalangin ko ang kasayahan niya sa kabila ng nagawa ko.” Sagot niya, “Hangang ngayon, dyan ka pa rin sa tama pano naman ‘yun nararamdaman mo?” Dedma na ‘ko. After the conversation po no communication na kami kasi may girlfriend na siya at nire-respeto ko po ‘yun. Sabi niya anytime kaya niya bitawan ‘yun if handa na ‘ko bumalik sa kanya. Kaya nakablock na po siya sa’kin. Ayaw ko na po kasi ng communication baka lalo lang ako maguluhan dahil sa nararamdaman ko. Wala po ‘ko intention na siraain ang pamilya ko dahil mahal ko po sila. Ang problema is ako, ako na may pagmamahal pa sa ex ko. Bottom line po ng problema ko is I wasn’t brave enough to stand kung san ako mas magiging masaya. I can’t afford na mawala ang asawa at anak ko and ‘di ko rin kaya saktan ang mga magulang ko at in-laws ko. In short, ang laki kong gaga. Nakakainis kasi ayaw mawala ng feelings ko. Gusto ko lang po makahingi ng advice sa nararamdaman ko. Mahirap po kasi dito ko lang nalabas ‘yung saloobin ko. Ano po bang gagawin ko? Ang hirap pala pagpuso ‘yung kalaban mo. Every night pinagdarasal ko po ito kasi ‘di tama ‘ygun nararamdaman ko. DJ Chloe, hindi ko po alam ang gagawin need your advice please. God bless you more and your program abundantly. Thank you for your awakening advice, natutuwa po ako minsan tagos po sakin un iba, hahaha!

    Sincerely,

    Reena

    Hi Reena,

    Wala na eh. Wala ng ibang pwedeng gawin kundi tanggapin ang katotohanang iba ang pinili mo.     You chose to marry your husband. Now love the man you married.

    May tama naman ang mga magulang mo, you have all the chances to start a clean slate with someone na walang sabit, bakit nga naman sa meron pa? If I were to put myself in their shoes, hindi rin ako magkukulang sa paalala sa anak ko na piliin ‘yung tama para sa kanya. Napakahirap ng may mga complications na relasyon.

    The mere fact na hindi mo siya ipinaglaban, hindi ganun ka-solid ang pagmamahal mo sa kanya, akala mo lang mahal mo, or mahal na mahal mo. Pero mas mahal mo ang sarili mo.

    Kasi ang tunay na pagmamahal, pagpumasok sa puso nino man, kahit bulkan naililipat sa ibang bayan, hahahahahaha!

    But seriously though, sabi ko nga, if you can’t keep yourself from fantasizing about your past and “what might have been” then so be it. Wala namang makakapigil sa’yo.

    Magiging mali ka na lang, if you do something about it.

    For now, tama lang na ikaw na mismo ang umiwas, literal na umiwas. Nagawa mo na noon pa eh. Tuloy-tuloy mo na. Lalo’t may asawa ka na.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.