It's what you keep on allowing
X

CHLOE'S INBOX

It’s what you keep on allowing

June 21, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IT'S-WHAT-YOU-KEEP-ON-ALLOWING

    Dear DJ Chloe,

    May gusto lang po sana akong ihingi ng payo. Kasi po ganito, kakahiwalay lang po namin ng tatay ng anak ko. Buntis po ako ngayon ng six (6) months. Ayoko na rin po sana na makipaghiwalay pa pero nakakapagod narin po kasi mga pananakit niya at pambabae niya.

    Nagloko na po siya before, nagkapatawaran na rin po kami pero nu’ng nagkaayos po kami nag-iba na po siya ng ugali na dati na hinding-hindi niya po nagagawa sa akin, ang pananakit po. Pag nagagalit po siya nasasaktan na niya po ako. Nakikituloy rin po kami sa bahay ng magulang niya, gusto ko na rin po sana bumukod dahil magdadalawa na rin po anak namin kaso ayaw nya po. Last po na napag-awayan po namin ay tungkol po sa pagbukod namin at sa pambababae na naman po. Sa ngayon po naiwan ko po ang anak ko sa kanila, ipinagdadamot niya po ang anak namin dahil ako daw po ang lumayas sa bahay nila. Ang gusto niya po umuwi ako. Ang ihihingi ko po ng payo sa inyo kung dapat pa po ba akong umuwi para sa mga anak ko? Dahil hindi siya magbibigay ng sustento at pampa-anak ko po. Gulong-gulo na po ako, DJ Chloe. Wala rin naman po akong mahanap na trabaho dahil buntis po nga ako. Sana po ay mapansin niyo po ang message ko na ‘to. Maraming salamat po.

    Please hide my identity po. God bless po.

    Hi Girl,

    Wala ka na bang mga magulang na pwede mong uwian? Sabi mo kakahiwalay niyo lang, kung hiniwalayan mo dahil nananakit, eh tama lang ‘yun.
    Bakit ‘di ka pumunta sa mga women’s desk at humingi ng tulong? Maari mong maobliga ‘yan kung gugustuhin mo. Kung ayaw mo na talaga bakit mo pa babalikan? Para magpasapak ilit at mag pabuntis na naman? Nakaalis ka na, ‘wag ka ng bumalik. Regarding your child na ayaw ibigay sa’yo , less than seven (7) years old, nasa batas natin na sa nanay ‘yan dapat kaya nga humingi ka ng tulong sa mga otoridad. If you still have your parents go back to them, they will surely help you.

    Kung babalik ka dahil ayaw sagutin panganganak mo at hindi magsusuporta eh lagi ka na lang gaganyanin niyan dahil alam niya na hindi mo kaya tumayo mag-isa. Pag nanganak ka na, magtrabaho ka na at ayusin ang sarili mo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.