CHLOE'S INBOX
Jealousy Destroys
December 30, 2017
-


Hi, DJ Chloe! good day I just want to share my story sana po mapansin mo po ang letter ko.
I’m Mhir, 25, and married last December 8, 2017. Bago lang. Gusto ko lang po humingi ng advice sa iyo. Natural po ba na magselos ang isang babae sa asawa niya?
Sabi po kasi ng asawa ko katangahan daw ang pagseselos ng walang basehan. Actually, hindi naman po talaga ako dati ganito pero mula nu’ng nagsama na kami last July this year sa iisang bubong naging selosa na ako. Palagi kami nagtatalo dahil sa nagagawa ko at mas lalong tumindi ng ikasal kami.
Mas matanda po siya sa akin ng 10 years. Aaminin ko, DJ, na selosa ako noong dalaga pa ako. Pero hindi ko pinapakita sa kanya noon. Pero nang dahil sa ugali ko nag-aaway kami. May times na din na sinabi niya na ayaw na niyang ituloy ang kasal pero sabi ko gusto ko na ituloy niya. At may times na nasaktan niya na din ako ng physical. DJ, paano po ba mawawala ang pagseselos ko? Ano po ba ang mga dapat kong gawin upang mawala ito kasi po nang dahil sa ganito ko pong ugali palagi kami nag-aaway. May times din na nagsabi siya sa akin, “Gusto mo gawin ko ang paghihinala mo?” Nasabi niya iyon dahil sa sobrang inis niya. At preggy po ako ngayon, three (3) months na po. Sana po ay matulungan niyo po ako. Salamat po and more power to your station. God bless po.
Sincerely Yours,
Mhir
Dear Mhir,
Baka mas naging selosa ka pa dahil buntis ka. You probably feel insecure kasi nga medyo nag-iba pangangatawan mo ngayon. Plus, of course, the hormones of a pregnant woman.
Ask yourself, may dapat ka bang pagselosan? Mala-Derek Ramsey ba si hubby?
Ang selos paminsan-minsan can give spice to a relationship but it can also be a living hell for both of you kung wala na sa lugar ang pagseselos mo.
Check on yourself. Saan ba nagmumula ang grabeng insecurity mo? Ang matinding pagseselos ay kawalan ng tiwala sa asawa mo at sensyales din na super down ang self-esteem mo.
Ikaw din. Nakakapagod kasama ang taong duda ng duda at bintang ng bintang.


-
COMMENTS














