CHLOE'S INBOX
I just want to protect my sister
October 11, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Sumulat na ako sa’yo before. Actually, gusto ko na nga ulit dugtungan ‘yun at bigyan ka ng follow up pero hindi ko pa macompose ang mga sasabihin ko. Sobrang busy sa work at sa gabi ay pahinga ng konti then tutulog na. Ibang matter naman ito. Sa kapatid kong babae. Mas bata sa akin. Nag-away kasi kami, as in kanina lang katatapos lang. May nakita kasi ako sa cabinet niya dun sa bahay namin sa probinsya na mga love letters sa ex niya about two (2) years ago. Tinanong ko, “bakit tinatago mo pa ‘yun eh may boyfriend ka na ngayon?” Tanong ko pa “bakit ganun ‘yung sulat mo, humihingi ka ng tawad kasi may mga pagkukulang ka?” Dagdag ko pa ay “nag-aaral ka, mas kailangan ng oras mo ang pag-aaral. Ano, hindi mo ba mabigay ang pangangailangan niya kaya ka nagsosorry? Wala kang dapat ihingi ng tawad.” ‘Yan ang mga nasabi ko sa kanya. Bago niyo po masabi na pakeelamera ako, gaya ng binibintang niya na pakeelamera daw ako, meron siyang pinapahanap na gadget sa cabinet niya kaya ko po ‘yun nakita. Dalhin ko daw dito sa Manila at kailangan niya. Dun ako galing sa probinsya tas diretso work na pagkaluwas ng 4am kaya ngayong gabi lang kami nagkita at ngayon ko lang nasabi ‘yung mga ‘yun. Anyway DJ, recall ko lang ‘yung background ko sa’yo, na single mother ako. Nandun sa mother ko sa probinsya ang anak ko at nandito ako sa Manila nagwo-work. Ayun, kasama ko itong kapatid ko dito sa tinutuluyan namin sa Manila dahil nagco-college siya. DJ, bakit ganun? Gaano ba kamali ‘yung nasabi ko? Hindi ko kasi maitanim sa isip ko na kahit kailan hindi na makikinig sa akin mga kapatid ko kasi ito lang naman ako, nagkamali din noon. Alam niyo po kasi, nu’ng ganyang edad ko, sana may nagpapayo sa akin ng ganung kalalim. ‘Yung sasabihin sa akin na, may choice ka, learn to say “no,” alamin mo ang halaga mo bilang babae, ‘wag kang magpakababaw at magsunodsunuran sa lalaki. General lang kasi lagi naririnig ko noon sa mga magulang ko eh. “’Pag nagboyfriend ka lumayas ka na dito. ‘Wag ka ng mag-aral mag-asawa ka na.” Kaya tinago ko lahat sa sarili ko. Wala akong masabihan noon na may lalaking nag-aaya sa aking makipagtalik sa murang edad, na anong gagawin ko, kasi pag may sinabihan ako ay natatakot akong makarating sa magulang ko at baka ‘di na ‘ko pag-aralin pa. Buhay ko po ‘yung pag-aaral ko. Ayaw kong mawala sa’kin ’yun. Eto na naman po ako, lumuluha, sana balang araw mapatawad ko ang sarili ko. Salamat DJ at nasabi ko ang saloobin ko. Please hide my identity.
Hi Ate!!
Dumaan ka sa ganyang edad, ‘di ba? At madalas ang mga ganyang edad matigas ang ulo. ‘Di ba kapag pinapagalitan tayo o sinisigawan all the more ‘di tayo nakikinig? There’s a much better approach sa kapatid mo at mas makikinig ‘yan sa’yo dahil pinagdaanan mo na. ‘Wag mong idaan sa galit dapat parang friend lang sana ang approach mo sa kanya. Daanin sa kwento… at di mo dapat ibinulalas muna lahat ng nabasa mo…. Pinag-isipan mo muna dapat sasabihin mo kasi nga as you’ve said paano maniniwala sa’yo, eh ikaw nga din nagkamali ka ‘di ba? Sabagay kahit ako masho-shock din, haha! Pero ‘di mo dapat din kasi pinapakialam ang hindi sa’yo.


-
COMMENTS














