CHLOE'S INBOX
Keep your focus for your children
June 4, 2019
-


Dear DJ Chloe,
I have a problem. Pero wala akong masabihan sa tunay kong nararamdaman sa ex-live-in partner ko
Naghiwalay kami ng ex ko dahil sa pagtataksil niya sa akin. Ang masakit pa sa pamamahay ko pa nila ginawa. Nabuntis siya ng nakarelasyon niya at nakikita sila ng mga anak namin so tinangaap ko kahit masakit para ‘di lang masira ang pamilya ko. Pero ‘di nya kaya ipagpalit ‘yung lalaki niya sa pamilya namin. Pinapili ko siya, mga anak niya o ‘yung lalaki niya? Mas pinili niya ‘yung lalaki, ang problema ko sobrang mahal ko ‘yung ex ko, ang hirap makamove on lalo na ang mga anak ko. Gusto nila makasama ko pa rin mama nila. So kinausap ko ex ko kung pwede ayusin ang problema naming, kahit masakit tatanggapin ko pero ayaw niya. Nahihirapan ako, nasaksaktan, hinahanap ng mga anak ko ang mama nila. ‘Di ko alam papano ko papaliwanag sa mga anak ko dahil ayaw ng mama nila. Maliliit pa mga anak ko. Ano kaya pwede kong gawin, DJ Chloe?
Pano kaya ako makaka move-on nahihirapan na ako, hindi ko alam pano ako mag-uumpisa.
Hi Kuya,
Una, ako’y humahanga sa’yo kasi after all that’s happened, willing ka pa rin tanggapin. This is really painful…ikaw kuya, makaka move-on ka pa, masakit lang ‘yan ngayon, pero walang sitwasyong habang-buhay. Lilipas din ang sakit, makakabangon ka rin. Pero ang mga anak mo, lahat maliliit pa. Lahat kailangan ng kalinga ng ina. Hindi ko alam bakit may mga ina na nakakayanang iwanan ang mga anak nila. Pero naniniwala ako, time will come lahat ng ginawa niya babalik sa kanya. Kuya, the only thing I can tell you right now is focus on working, kailangan mong kumita para sa mga bata. Sabi mo nga, naiwan sila sa mga magulang mo para makapagtrabaho ka. So focus po sa trabaho muna. Hindi ko po alam pano dapat explain sa mga bata na umalis ang nanay nila, ‘wag nyo pong siraan ang nanay nila, malalaman din nila ang totoo. Lastly, humingi po kayo ng lakas at linaw ng pag iisip sa Panginoon. Sa mga panahong ito, Siya lang po ang makakatulong sa inyo.Hindi po lahat ng panahon ay pagluha.


-
COMMENTS














