Keep Yourself Busy
X

CHLOE'S INBOX

Keep Yourself Busy

December 11, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---KEEP-YOURSELF-BUSY

    Hi, DJ Chloe!

    Isa po akong masugid na tagasubaybay sa iyo dito sa Facebook. Naguguluhan po ako at hihingi po ako sa’yo ng payo kung dapat po ba ako mag-isip ng masama. Married na po ako for 10 years at wala pa po kaming anak. Nu’ng nanliligaw pa lang po sa akin ang hubby ko, kung makipagharutan siya sa babae wagas kahit kaharap ako. ‘Di ko binigyan ‘yun ng malisya pagkat kapatid po ‘yun ng bayaw niya. Nang maging mag-asawa na po kami, pag nagce-celebrate po kami ng birthday niya, anniversary naming, at Valentine’s, pinaghahandaan ko po ‘yun ng simpleng pagsasaluhan namin parang maramdaman sana namin ang okasyong ‘yun. Pero galit na galit po siya sa akin, pagsala pa ang lasa. Minsan po nasugatan pa ako nun ng bubog sa pagmamadali kong magprepare, pero wala po siya pakialam.

    Nitong huli lang na nagcelebrate siya ng birthday niya, mga katrabaho niyang babae ang kasama niyang nagcelebrate nagmeriendahan sila sa isang kainan sa labas ng trabaho kasi nahiya daw siya at niregaluhan daw siya ng cake ng mga baguhan niyang katrabaho. Pinagtataka ko ba’t pag ako naghanda galit siya pero pag iba masayang-masaya siya. Wala po ako work, nasa house lang po ako, siya naman may gusto na ‘wag na ako magwork. ‘Di naman ako gumastos ng pagkalaki-laki para sa handa ko sa kanya. Ano po maipapayo niyo sa akin, DJ Chloe. Thanks po and Merry Christmas in advance, and more power to your program.

    Miss S

    Miss S,

    Simple lang po ang solusyon, ‘wag niyo ng ipaghanda.

    Kung nagagalit siya dahil naghahanda ka, eh ‘di wag ka ng mag abala, ayaw mo nun? ‘Di ka pa mapapagod, ‘di ba?

    Sabi niya siya naman ang may gusto na ‘wag kang magwork, eh ikaw ano po ang gusto mo?

    Naisip mo na ba na sayang naman pinag-aralan mo kaya napapansin mo at dinaramdam mo lahat kasi hindi ka busy, sa kanya ka lang busy.

    Try mo din kahit mag-online business para malibang ka.

    At next time, kahit anong okasyon niya, birthday or what ‘wag ka ng mag-abala. Mag-abala ka lang pag birthday mo. Siguro naman ‘di siya magagalit pag nagluto ka dahil birthday mo naman.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.