Know When To Leave
X

CHLOE'S INBOX

Know When To Leave

April 4, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---KNOW-WHEN-TO-LEAVE

    Hi DJ Chloe,

    Good day po sa’yo and sa lahat po ng nakikinig and followers niyo. Sumulat po ako kasi gulong-gulo na po ‘yung isip ko. I’m Victoria, 30, married for 11 years. Wala pa po baby. May problem is ‘yung husband ko po meron siya dating live-in partner meron din po silang anak. Hindi ko pa kasi nararamdaman na love ako ng husband ko. Kasi po kahit birthday ko nalilimutan niya even our anniversary. Pero ‘yung ex niya alam niya lahat ng details kahit po sa ka-work niya minsan po ex niya pa rin binibida niya. Eh dumating pa sa point na nagdududa ako. Okay naman po kami kaya lang may hinanap pa po akong parang kulang. ‘Yung saya. Until one day po may bago kaming kapit-bahay, si Gino. Naging close po sa amin especially sa akin. Si Gino po ‘yung klase ng one-call away nandyan na agad siya. Siya po naghihintay sa akin pag-uwi galing work. Nagkakaintindihan po kami sa tingin lang iisa ang tinatakbo ng isip naming. Sabi po ng mga friends ko, M.U. daw po tawag doon. Naguguluhan na po ako. Thank you po and God bless.

    Victoria

    Hi Sis,

    Ang gulo.

    Ka-live in mo lang naman ‘yan, ‘di ba? ‘Di ka naman kasal, ba’t ka nagtitiis?

    You should know when to leave the table when love is no longer being served.

    I can sense though na parang immature ang atake mo sa sitwasyon. If you feel disrespected by the actions of your live-in partner, let him know about it. Isa pa hindi naman solusyon ang magkaron ng “one-call away” kind of friend, alam naman natin ano patutunguhan niyan, ‘di ba?

    Kung hindi na masaya at ginawa mo na lahat ng paraan para maging maayos kayo pero hindi kayo naaayos, bitaw na.

    Kesa magkasala ka pa.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.