CHLOE'S INBOX
Leave if you must
February 2, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Magandang araw sa’yo. Itago mo na lang ako sa pangalan na Kiko. Gusto ko lang humingi ng payo sa’yo regarding sa work ko. I have a part time job sa isang fast food, matagal na din ako dun mga three (3) years na. Ako na ang pinakamatagal na empleyado dun kaso lang dumadating ang time na hindi na ‘ko masaya dahil iba na ang mga kasama ko tsaka mahirap ng pakisamahan sila dahil siguro mga bata pa sila. One time, kinausap ako ng manager namin dahil may nagcomplain sa akin na co-employee ko na hindi na daw maganda ang mga nasasabi ko sa kanila. Nasasabi ko naman ‘yun dahil may mali din sila at hindi ako magagalit sa walang kadahilanan. Ewan ko ba, DJ Chloe. Totoo nga ang sinasabi ng marami na kahit gano kadami ang nagawa mong kabutihan sa company isang pagkakamali lang ay nawawala na ‘yun. Mas nakikita nila ang maling nagawa kaysa sa mga nasakripisyo sa company. Nakakalungkot lang isipin na sa tagal kong nandun sa company ngayon lang ako nasabihan ng ganun at tsaka ang mga nagcomplain ay mga baguhan na employee. Hirap ako ngayon, DJ Chloe. Parang gusto ko na umalis dun dahil hindi na ako masaya. May ibang work pa naman ako bukod dun sa fast food. Working din ako sa isang office na part-time lang din. Kaya siguro nahahati na ang isip ko kung gusto ko na i-give-up ang sa fast food dahil sa tingin ko ‘di na worth ang pagtrabaho dun dahil wala silang pagpapahala sa mga empleyado na tumagal at madaming nagawang kabutihan. Sana po ay mabigyan niyo ako ng payo sa ngayon dahil naguguluhan na din ako, DJ Chloe. Maraming salamat at God bless you and your family.
Your #1 fan,
Kiko
Hi Kiko,
Thank you for your letter.
Alam mo simple lang naman ang solusyon dyan, if you can’t take the heat, get out of the kitchen.
But have you tried at least befriending them? Baka naman kailangan mo lang makisama ng konti?
Basta ‘yun lang, kung ‘di ka na masaya sa ginagawa mo diyan, then go…and find another part time job.
-
COMMENTS















