CHLOE'S INBOX
Let your work do the talking
January 24, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Isa po akong empleyado sa isang pribadong kompanya, okay naman po ako sa trabaho kaso nu’ng dumating po ‘yung isa kong bagong katrabaho na babae, nag-iba na ang ihip ng hangin. Hindi ko alam if tama po ba pero madalas po ako naiinis, at naiirita sa bago naming katrabaho.
Medyo pabibo kasi sya ‘yung tipong laging nagpapapansin sa’ming lahat, hanggang sa hindi na lang siya samin nagpapabibo at nagpapansin pati na sa boss naming. Napapansin kong iba na sila mag-usap parang hindi na pang propesyunal. May lagkit kasi sa tinginan nila at minsan nakikita na namin na sabay sila kumakain paglunch then nakikita ko din na sumasakay siya sa car ng boss namin pag-out namin galing duty.
Sa mga sumunod na buwan nagugulat kami kasi employee of the month na siya kahit halos wala naman na syang ginagawang trabaho, hindi ko naman po type ‘yung boss ko kahit gwapo siya pero sumasama loob ko sa mga nakikita ko. Dahil alam ng lahat na ako ‘yung pinaka masipag sa’min. Hanggang sa may pa-flowers na, pa-chocolates at kung ano-ano pang delivery na dumadating sa office na kinakikiligan ng lahat.
Naiisip ko po tuloy minsan na sana pala lagi akong nagpapapansin sa boss ko noon dahil kung sa sipag lang at galing sa trabaho, always present never absent ako at laging napipili ‘yung mga proposals ko pero never akong naging employee of the month. Hindi kasi ako fan ng Boss-and-Employee Romance, professional kasi ako ayoko ng mga ganon, ganon. Ano po kayang pwede kong gawin? Feeling ko po kasi ako lang ‘yung kontrabida sa office or dahil sa standards ko nawala na sa isip ko ang pagla-lovelife kaya naiinis or naiirita ako sa mga ganong kaganapan sa office. I’ll be waiting po for your advice, DJ Chloe. Thank you and God bless.
Workaholic Girl
Hi girl!!!
Then stay professional as you are!
At the end of the day, you will always be defined by the quality of your work.
Office romance is inevitable, sipsipan at work is also inevitable, office politics as well is inevitable.
So, hold on to your morals and work ethics and just do your job and do it well. Pasok ka on time at alis ka on time or a little late sometimes, para ‘di ka naman matawag na member ng 501 gang, paalis na pag 5:01PM.
The more you concern and consume yourself of this new girl the more na magde-deteriorate ka, kasi siya na lang lagi mong napapansin.
Work on your skills, upgrade and learn new things and just keep working hard, as if working for the Lord, and you’ll never go wrong. In fact, He will all the more bless the work of your hands.


-
COMMENTS














