CHLOE'S INBOX
Let’s Talk About In-laws
January 20, 2017
-


Dear DJ Chloe,
Naiipit po ako sa dalawang sitwasyon. May sakit po ang aking tatay at gusto ko po sanang tumulong pero ayaw po ng asawa ko at isa pa wala po kaming pera. Ang sabi ko po ay hindi nman pera or amount ang nais ko sa magulang ko na maibigay kundi ay ‘yung concern at pagdalaw sa kanya. Umutang po ako ng pera sa workmate ko at sinabi ko sa misis ko. Lalo po s’yang nagalit at nag-away po kami hanggang ngayon. Nagtatampo po kasi ang asawa ko sa tatay ko po dahil nu’ng namanhikan po ako ay hindi sumama ang tatay ko para makilala ang magulang ng asawa ko po. At nu’ng kasal namin ay kung ano na lang ang maisuot ng tatay ko hindi ‘yung ibinigay naming barong at hindi po sila tumulong para sa kasal namin. Pero nu’ng mamanhikan po si Kuya sa asawa niya ay kasama ang tatay ko at nu’ng kasal nila ay mas pinaghandaan nila at buong kamag-anakan ay dumalo. Masisisi ko po ba ang asawa ko or ang tatay ko? Naguguluhan po ako. Ang tatay ko po ay may sakit at need i-confine kapag hindi nakainom ng gamot na kailangan niya. Sino po ang uunawain ko? May asawa na ako pero may tatay pa ako na kailangan ng tulong.
Nais ko lang naman din po maging tapat sa asawa ko kaya sinabi ko sa kanya na umutang ako sa workmate ko para may maibigay ako tulong sa tatay ko. Newlywed lang po kami, September 27, 2016. Matigas din po kasi ang loob ng asawa ko.
Salamat po sa payo.
RV
RV,
‘Yung kaibigan ko, iniwan asawa niya. Beauty queen pa ang asawa niya sa probinsiya namin. Bakit? Nagalit sa kanya nang nalamang pinautang niya ng pera ang sarili niyang ina.
Some people might say, “ang babaw.” Pero ganun ang nangyari eh. Para sa kaibigan ko, “nanay ko ‘yun, wala ako kung wala siya, asawa lang kita.” Mahal na mahal niya ang ina niya at siguro hindi niya nakita sa asawa niya na mamahalin din ng asawa niya ang babaeng nagluwal sa kanya. He probably felt offended by it. Anyways, siya ‘yun. Desisyon niya ‘yun. What I am trying to say is, as much as possible, wives at least, should try their best to be a good influence sa asawa nila. Maging taga-balanse. Maaring naiinis ka sa mother in-law mo or father in-law mo pero magulang ‘yan ng asawa mo. If you say anything bad about them, it will surely hit your husband hard.
Alam mo ang totoo, at natutunan ko sa eskwela dapat daw talaga pag nag-asawa ka, unahin mo na asawa mo. Kung nangangailangan nga daw ng parehas ng dugo ang asawa mo at nanay mo sabi ng professor ko, uunahin niya asawa niya. Syempre ang daming iolent reaction sa amin nu’n pero ganun daw talaga eh.
Ayoko namang umabot sa ganoong punto, pero ewan ko ba, the daughter in me, raised by my parents thru their own sweat and blood feels I still need to be there when they need me. I cannot turn my back on my parents. I also don’t want my children to do that to me.
So, I think you should talk sincerely to your wife. That what has been done and what has happened cannot be undone anymore. And if she continues to be like that mas pinatutunayan niya ngayon sa lahat ng lahi niyo kung bakit ayaw sa kanya ng ama mo. Because obviously, that’s how I see it, your father may not like her for you at pinatutunayan niya ngayon, ng asawa mo, kung bakit.
Try niya kamong magpatawad. Gagaan ang pakiramdam niya. Gagaan ang buhay niya. Luluwag paghinga niya at makakatulog siya ng maayos hanggang umaga.
RV, sa ten commandments, ang utos ng Diyos patungkol sa ating magulang lang ang bukod tanging may reward.
“Honour your father and mother” (this is the first commandment with a promise), “that it may go well with you and that you may live long in the land.”
This is the best time for her to shine, to prove your father na hindi siya nagkamali sa’yo bilang asawa; na mali ang tatayo sa iniisip niya na maaring reason kung bakit ayaw niya sa asawa mo; that she is a blessing to you.
And if she chooses to still harden her heart, then you know what kind of woman you married.
In this life, I have come to realize that pride is what others live for and that most people really, really find it hard to be humble and to live in humility.
Wala sino man sa atin ang dapat na magmalaki sa buhay na ito. You can laughing and living a good life today and be dead the next day.
A woman who fears God knows to forgive.
-
COMMENTS















