Letting Go Of The Stress
X

CHLOE'S INBOX

Letting Go Of The Stress

April 5, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - LETTING GO OF THE STRESS

    Hi DJ Chloe,

    Isa ako sa mga madalas magbasa dito sa humihingi ng payo sa’yo. Ngayon ako naman ang hihingi ng magandang payo. Itago niyo na lang po ako sa pangalang “Honey”. Meron po kasi akong nakilalang isang guy sa Padi’s Point. Nagkakuhaan kami ng number at Facebook account. Noon, ‘di ko naman talaga siya pinapansin. Madalas pa nga sinusungitan ko siya lalo na noong nalaman ko na may anak at may kinakasama na siya. Kasi sabi niya ‘di naman masasabi na asawa kasi hindi sila kasal. Actually, inis ako sa ganung klase ng lalaki. From 2014 to 2016 masasabi ko na isa siya sa stalker ko. Matyaga mangamusta sa’kn at maglike ng picture ko. Nitong January nagbreak kami ng boyfriend ko na nagwo-work sa Saudi. Bago mag Valentine’s bigla siya nagmessage at nangamusta hanggang sa nasabi ko na hiwalay na kami ng boyfriend ko. Nagulat talaga siya kasi ang alam niya okay na okay kami. Then noong Valentine’s Day meron kaming gimik ng mga ka-work ko at nagsabi siya na kung p’wede siyang maki-join. Hinayaan ko naman kasi tingin ko mabait naman siya. Pagdating niya sa bar meron siyang surprise na flowers and chocolate at nakakakilig ‘yung way niya paano niya naibigay sa’kin. Simula noon ang dami niyang effort para mapalapit ako sa kanya. ‘Di nagtagal nakilala ko siya, nakita kong mabait at malambing siya. Doon na-open niya ‘yung problema niya sa ka-live in niya. Nabuntis niya lang at ‘di niya mahal pero pinanagutan niya ‘yung baby at sa bahay ng parents niya sila naglive in malapit sa work nila. Sa pagsasama nila marami siya nakwento about sa girl. ‘Di daw siya naaasikaso at madalas rin siya pa ang parang babae. Kasi burara at tamad daw ang babae kaya imbis na mahulog ang loob niya lalo pang napapalayo. ‘Di nagtagal napansin ko nahuhulog na loob ko sa kanya. Sobra po kasi siyang lambing at lagi ako napapakilig sa mga surprises niya at lagi niya ako hatid at lagi siya may time sa’kin. ‘Di nagtagal naging kami. Kaya lang minsan naiisingit ko sa kanya about sa knila ng kalive in niya. Kinausap niya mabuti ‘yung girl sinbi niya lahat ng sma ng loob niya at sinabi niya na di na siya masaya sa pagsasama nila at umalis na siya sa inuupahan nila. Pero may times na ngkikikita sila dahil sa anak nila. Madalas kami na ang magkasama. Naramdaman ko naman po kung gaano niya ako kagusto at kamahal kaya lang po pinapakiusap niya na tuwing off nila ng mama ng anak niya magkakasama sila doon sa bahay ng parents niya para lang daw sa bata. Kaya lang habang tumatagal nakikiramdam ako na nasasaktan ako. DJ Chloe, ano po ang dapat kong gawin? Tama po bang ipagpatuloy ko pa ang relasyon namin o umiwas at kalimutan ko na lang siya? Napakasaya naman pag magkasama kami at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa’kin. Pero sa isang banda sabi ng isip ko, mali ang ginagawa ko. Gulo na ang isip ko kaya nagtry ako sumulat dito para malinawan ang isip ko. Ako po ay 33 years old na at may dalwang anak na lalaki, 13 at 10. Sana makatulong ‘yung mga mababasa kong advise niyo at magawa ko kung ano ang tama. Salamat. God bless us all.

     

    Dear Honey,

    You know what, kalokohan ‘yang “para sa bata” na linya na ‘yan. Gasgas na ‘yan eh. Magkakasama sila sa bahay ng mama niya para sa bata? Nagsasama pa sila! ‘Yun ‘yon!

    No such thing as for the kid, hanggang kelan mo lolokohin ang bata? If he can’t make up his mind, if he can’t stay away from that idea na “para sa bata” edi tigilan ka na niya. Ikaw? How long can you handle it? You ask yourself if oka lang ‘yan sa’yo. But the fact that you’re on my page and asking about this, then it’s not okay. Pagtapos na, tapos na. Wala ng para sa bata. Ang para sa bata suporta, bigyan ng suporta para makapag-aral siya, makakain at makapag-aral at mamuhay ng disente. Karapatan ng bata ‘yun. ‘Yun ang kailangan ng bata. Hindi panloloko na okay pa sila ng nanay only to find out one day na hindi na pala. You have two kids of your own plus ito pa? You love complication, ano? Better get a grip on life and know your priorities. Bitawan ang stress.

    Sincerely,

    Chloe

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.