Long Lasting Lessons From Temporary People
X

CHLOE'S INBOX

Long Lasting Lessons From Temporary People

March 21, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---HAVE-YOU-LEARNED-YOUR-LESSON

    Hi DJ Chloe,

    Sana mabasa mo itong sulat ko at mabigyan ninyo ako ng payo. Dalawang taon nang mula nang malaman ng husband ko na nagkaroon ako ng relasyon sa ibang lalaki. Halos napabayaan ko na ang sarili ko dahil sa madalas kami mag-away. ‘Yung halos ilang oras na lang namin siya nakakasama at tuwing lingo may work pa rin siya halos disi-oras ng gabi na siya nakakauwi. Pag-uwi niya tulog na ang mga anak namin at sa umaga naman siya ang tulog. Hindi ko na alam ang gagawin ko pagtinatanong ko kung mahal pa niya ako. Hindi na niya masagot. Sa totoo lang pag hindi pa siya nakakauwi hindi ako makatulog, nag-iisip ako kung nasan siya at kung napaano na siya. Baka naman may iba siyang kasama. Minsan tumawag ako sa office niya, maaga pala siya mag-out tapos anong oras na siyang nakakauwi. Nagtatanong akong baka may iba na siya dahil sa nagawa kong mali. Minsan sabi niya palayain ko daw siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang gusto niya magkanya-kanya na kami. Naiisip ko ‘yung mga anak namin at makakaya ko bang mawala siya sa buhay ko. Sana mabigyan ninyo ako ng payo at pasensya na kayo sa sulat. Maraming salamat at more power sa inyo.

    Hi Sender,

    Feel ko ang stress mo, dahil ‘di mo nga nagawang maglagay ng kahit anong pangalan na pwede kong itawag sa’yo. Anyway, we can’t blame your husband kung parang nagwawala siya ngayon. Siguro, kahit nalaman niya at tinanggap niya ang nagawa mo, baka hindi ka niya mapatawad. Did you even ask for forgiveness? Sa totoo lang, malaking dagok ‘yan sa ego ng asawa mo, although kahit naman sa ating mga babae eh ganun din ang sakit pagnalaman na my ibang babae. Pero sa lalaki 10x. Bawas na bawas ‘yan sa pagkamacho nila. I think you should give him time to forgive you, kasi hindi rin naman biro ang nagawa mo. There’s only one I know of who can restore your marriage and that’s God. But do you even pray? If you’ve stopped with the affair, ‘wag mo ng ulitin and start forgiving yourself. Baka hindi na marepair ang pagsasama niyo, pero may mga anak ka at kung sakaling ‘di ka na mabuting asawa para sa husband mo, maging mabuting ina ka na lang sa mga anak mo. If your husband is asking for space from you, ba’t ‘di mo ibigay? You’re thinking makakaya mo ba na mawala siya sa buhay mo? Nakaya mo ngang magkaron ng iba na kayo pa, ‘di ba? O baka ang dapat na tanong mo sa sarili mo eh, makakaya ko bang buhayin ang mga anak ko at tumayo sa sarili kong paa, sakaling iwan kami ng asawa ko?

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.