CHLOE'S INBOX
Look Less Desperate
January 8, 2018
-


Hi good day!
This is not my real account and name, basta I just need an advice. And I hope mabasa ‘tong message ko. Thank you in advance! Siguro simple lang ‘tong problema ko compare sa iba. Pero gusto ko lang sana makahingi ng payo about sa’min ng boyfriend ko, nine years ang gap namin.
I’m 23 and he is 32 years old. Okay naman kami, mabait siya pero madalas namin pag-awayan yung pagiging clingy ko. Sinasabi niya dapat may miss factor kami. Specific na pinag-aawayan namin minsan ayoko muna siya pauwiin kahit gabi na. Madalas kasi kaming magkasama. Five times a week. Ako kasi, masaya talaga ako pagmagkasama kami. Para bang ayoko na siyang mawala sa tabi ko. Alam ko may mali ako. Sabi ko nga sa kanya gagawa ako ng paraan magkaroon ng ibang libangan para naman ‘di lang sa kanya nakatutok atensyon ko. Parehas kaming working na. And nag-iipon na para sa future. Thanks. Nasasaktan lang talaga ako pagpinagsasabihan niya ako.
Miss Clingy
Dear Miss Clingy,
He is right. You should let him miss you sometimes.
Bata ka pa, you can still do more and achieve a lot, hindi mo dapat pinapaikot ang buhay mo sa kanya.
Sa edad mong ‘yan you’re not even sure yet if you’ll really end up with him.
So if I were you, enjoy your youth, enjoy your relationship with him, pero wag kang manakal, neng. Ayaw ng mga lalaki ng sinasakal sila. Ikaw din, baka magpumiglas ‘yan. Mawala tuloy.


-
COMMENTS














