CHLOE'S INBOX
The Love You Give Is Sometimes Not The Love You Will Receive
November 15, 2016
-


Hi DJ Chloe,
Hihingi sana ako ng advice sa’yo at sa mga listeners. Gusto ko na kasi ng peace of mind. Ilang linggo na ‘ko nagkakaganito. Hindi ko alam kung ako ba may problema o masyado lang akong exaggerated sa sitwasyon.
Nakipag hiwalay ang ex-boyfriend ko, almost one month na. We’ve been together for almost four years. He’s 26 year old and I’m 29. Nu’ng una na nalaman ng mom niya na nakipagrelasyon siya sa single mom na tulad ko, pinaghihiwalay na kami. At dahil mahal ako ng ex-boyfriend ko noon, pinaglaban niya relasyon namin. First two years ng relationship namin we’re okay. Pero this year, naging on-off na kami. Medyo selosa kasi ako. Aminado naman ako doon. (Never pa niya ‘ko pinakilala sa mga friends niya. ‘Yung assurance na hinihingi ko sa kanya.)
Sa halos four years ng relationship na ‘yun, hindi maiwasan na may nangyari. Ginusto naman namin ‘yun. At dumadating na kami sa point na we’re planning for our future. Pero dumating ‘yung isang araw na iniwan na lang niya ‘ko sa ere. Hindi ko matanggap. Hinabol ko siya pero binalewala lang niya ‘ko.Nagmukha akong tanga sa kakahabol sa kanya. Sinabi ko sa kanya na ano na nangyari sa’min. Na wala na lang ba ‘yun sa kanya. Until to the point na, nagtext ang mom niya na ginamit lang niya ako na wala siyang responsibilidad sa ginawa niya sa’kin. ‘Yung ex-boyfriend ko may pagka mama’s boy kasi. Hindi naman ako nakikipagkompetensya pero naramdaman ko ‘yung “option” lang ako.
Ang dami kong tanong sa sarili ko. Hindi ba siya nakonsensya or guilty sa ginawa niya? Masaya ba siya na iniwan na lang nya ako sa ere basta-basta? Bakit niya ginawa ‘yun sa’kin? Hindi ba niya ‘ko kayang panindigan sa mga nangyari sa’min? Hindi ba niya ko kayang ipaglaban sa mom niya? Immature pa ba siya mag-isip? Wala lang ba talaga sa kanya ‘yung halos apat na taon na may nangyari sa’min?
Please enlighten me.
Sorry kung mahaba message ko.
Thank you and God bless.
Ms. Nasasaktan
Ms. Nasasaktan,
As far as I know, all is fair in love and in war. You’re a single mom. All the more you should be careful. Bihira sa lalaki ang tatanggapin ng buo ang sitwasyon mo. Meron man tanggap, ikaw lang pero hindi ang anak mo. As I’ve said, ginusto mo rin ang lahat ng nangyari sa inyo. So if you gave yourself to him because of love then wala kang dapat pagsisihan. Yes, you were expecting na mahalin ka at tanggapin pero hindi guarantee na kapag binigay mo lahat, tutumbasan din sa’yo kung ano ang ibinigay mo. You know if you don’t value yourself enough then no one else will. The mother thinks you’ll never be good enough for his son and if he believes her, wala kang magagawa dun. Girlfriend ka lang, nanay niya ‘yun. Tagumpay or success ang maaring maging gamot sa lahat. If you make something out of yourself, do you think you will still settle with this guy in the future? Mahalin mo sarili mo Ms. N, this should serve as a wakeup call for you. Kung mataas ang self-esteem mo, you won’t be affected kung ayaw sa’yo ng ina. In fact, hindi mo kawalan na inayawan ka. It’s your gain because you’ll never be happy with him dahil may sakit siyang asma. Ask my mom. Work na lang tayo, Ms. N, masarap magretail therapy kapag can afford ka. Lalo na kapag stable ka. Unahin ang future, be financially stable dahil may anak ka at ‘yun ang priority mo dapat. Work hard so you don’t depend on anyone and if someone comes along his mother won’t think you and your child will depend on his son.
-
COMMENTS














