CHLOE'S INBOX
Love Isn’t Always Sweeter The Second Time
July 11, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Palagi ako nakikinig ng 96.3, especially after work. At like ko mga classic music, kaya mas prefer ko makinig sa inyo. ‘Pag may time naman, nagbabasa-basa ako ng mga letters ng senders mo. ‘Di ako nag-la-like pero binabasa ko lahat just to catch up sa mga na-miss ko the whole week. Pansin ko lang sa ibang senders na may love problems, na natetempt sila makipag-relasyon sa mga ex-highschool BF or GF o di kaya highschool crush nila. Noong una na-papuzzle ako, kasi bakit ganun, ano ba meron? Until naranasan ko na.
Share ko lang ang story ko. Married na ako at may mga anak. Ang asawa ko nasa abroad nagtatrabaho. Medyo maloko ang asawa ko pagdating sa babae, pero immune na ako pagdating dun kasi wala din naman ako magagawa kasi malayo siya. Ayoko na din ikwento kung ano-ano mga nagawa niya kasi kasiraan ko din naman yun.
Na-fall out of love ako sa asawa ko, pero I stayed for the kids. Since day 1 na nag-abroad husband ko, faithfull ako sa kanya. Nag-focus ako sa work, kids at bahay lang for almost 17 years straight. Until, bigla sumulpot dito na parang kabote sa house yung schoolmate ko na nanligaw sakin nung 4th year highschool. ‘Di ko siya naging boyfriend kasi basted siya sakin kahit gusto ko siya noon. In-ask ko siya kung bakit niya ako pinuntahan at paano niya nalaman kung saan bahay namin. Sabi niya, hinanap daw talaga niya ako at makikipag-kamustahan lang daw siya . Sobra na-shock ako. So, ako naman nagkipag-friendly-kwentuhan. Kinuha niya number ko, binigay ko naman. Since noon, kinulit na niya ako everyday sa phone, text nang text, call nang call. Married na siya with 2 kids, at according to him, ‘di sila okay ng wife niya; which, ‘di ko naman pinaniniwalaan lahat ng mga kwento niya. Lagi ko siyang binibigyan ng advice para maging maayos ang pagsasama nila ng asawa nya. Pero ini-insist niya na mahal niya raw ako kesa sa wife niya. Aaminin ko na nahulog ako sa kanya, nagpaka-tanga, nagpaka-gaga to the max.
We did things na mag-asawa lang ang dapat gumagawa. Nabola ako, DJ Chloe. Dumating yung time na naramdaman ko na ayoko na kasi everyday na lang ako hina-hunt ng mga nagawa namin. Masaya ako kapag nakikita ko siya, pero di ako masaya sa mga nagawa namin. Mahal ko din naman siya, pero I know kailangan ko siyang bitawan.
I gave up. Sinabi ko sa kanya na mas importante ang family ko kesa sa kanya kasi wala naman kaming future at ayoko ng future na kasama siya kasi alam kong magulo lang at wala naman ako mapapala. Sinabi ko rin sa kanya na pareho lang sila ng husband ko, pareho silang gago at kung papipiliin ako sa kanila, eh yung asawa ko na lang pipiliin ko kahit nagpapaka-gago sa iba. Ofcourse nagalit siya. Ginawa ko lahat para matanggal ko siya sa system ko at unti-unti na kong bumabalik sa dating ako. Hanggang ngayon, di pa rin siya tumitigil, gusto niya makipagkita pero matagal na kaming di nagkikita kasi ayoko. Ini-ignore ko na mga text niya. Dahil sa experience ko, lalo ko naramdaman na mahal ko ang pamilya ko.
It doesn’t matter kung may iba ang asawa ko, basta ang kids ko nasa akin at kasama ko sila. Kailangan i-sacrifice yung mga bagay na we want the most, even our dreams, para maging steady ang buhay. Sa mga listeners out there na same naka-experience ng ganito, ito lang ang masasabi ko… Malalagpasan niyo din yan! Kung choice mong gawin magpakatino, magagawa nyo. Mas masarap mabuhay sa “TAMA”. Kung ang lalaki di mapipigilan kung gustong magloko, pabayaan na lang natin sila, basta’t hindi tayong mga babae ang gagawa ng mali. Thanks so much sa mga bumasa ng letter ko. More power sa 96.3. You’re the best DJ Chloe!
Belle
Dear Belle,
Thank you for sharing your letter and for sharing with us what you learned from what happened to you. I just hope that you will be strong enough to stand against sin the next time it comes knocking on your door.
Your story might be able to help people those who are also struggling to stay away from their weakness, iba-iba kasi ang kahinaan ng tao.
It’s good that you have realized na mali ang ginagawa mo at walang patutunguhan. Sa point of view ko kasi, kaya nagkaka-problema kasi binibigyan natin ng chance ang ibang tao na makapasok sa buhay natin. It starts with a simple text, nauuwi na sa calls, and then comes that little affair that we sometimes think we can handle and we can let go anytime we want to.
Pero madalas , hindi. Maraming pamilya, buhay, lalo buhay ng mga bata, ang nasisira dahil sa isang maling desisyon.
Life is always a matter of choice. We make daily choices to do, good or bad. And our life is a summary of all the choices we have made, we make choices and our choices make us.
Lead a prayerful life. Because for as long as we are in this world, we will always be tested, and the only way we will be able to overcome, is if we are guided by God’s words.
Again, thank you!
-
COMMENTS















