CHLOE'S INBOX
Love stays at all cost
July 24, 2019
-


Good day DJ Chloe!
One of your biggest fans here. Been following you for a long time. Anyway, I’m a single mom of two (2) for 10 years. My ex-husband has his own family na. Nagka-boyfriend naman ako kaso wala sa isip ko na mag-asawa pa ulit (‘di ko lang mahanap pa). I had a boyfriend for five (5) years. Nawalan kami ng communication for at least three (3) months dahil sa pera. Then I met this guy sa isang dating app. Well, malungkot ako kaya naghanap ako ng makakausap. We’ve been dating for six (6) months. The guy is married. He’s ten (10) years older than me. He was really nice. ‘Yung tipong “sana siya na lang kaso hindi pwede.” Parang ang dating eh magjowa kami pag magkasama. Masaya ako at alam ko na masaya din naman siya. I started to ask him about our situation ang sabi niya lang. “I cannot make you a princess or even a queen.” Naintindihan ko naman ‘yun. ‘Wag lang daw akong mawawala. Ang hirap naman ng nakahang. One (1) month na kaming hindi nag-uusap dahil na-wrong send siya na “morning hon” na ang tawag niya sa’kin ay “bhe”. I asked him sabi niya wrong send daw at kay Don na kaopisina niya ‘yung text na ‘yun. Sabi ko naman ang layo ng H at D sa keypad. He replied na nagseselos daw ako. Well totoo ‘yun. Hindi na ‘ko nagreply after that. Feeling ko may iba din siyang dine-date maliban sa’kin. Nagtatalo ang isip at puso ko DJ Chloe kung need pa ba namin mag-usap or hayaan ko na lang ba? Walang closure. Please help.
Single Mom
You’re right. Malayo sa keypad ang H at D (tiningnan ko talaga, nasa pagitan nila ang F at G). I strongly believe you know exactly what you need to do, you’re just delaying it. Hindi naman natin kailangang gawing prinsesa o reyna. Kailangan lang natin ng totoo sa buhay natin. And this guy can never give you what is real, and what is true, let’s keep it short and simple. A man who cheats with you, will also cheat on you. This is the kind of story that doesn’t need a closure, it’s something you can just walk away from without even saying goodbye, and without even explaining why. You know why nasa pagitan ang F at G, para daw sabihin mo sa sarili mo na kailangan mo nang magfarewell at goodbye.
-
COMMENTS















