CHLOE'S INBOX
Love Versus Priorities
May 12, 2017
-


Hi DJ Chloe!
Please hide my identity. Gusto ko lang po makahingi ng advice kasi sa ngayon hindi po ako makapag-isip ng maayos. I am in a long distance relationship, turning 2 years ngayong June. Mabait ang boyfriend ko at maayos ang work niya sa ibang bansa. Siya yung tipo ng tao na may standard kaya dapat gawin mo to, ganon, ganyan, na minsan naiisip ko mahal ba ako nito o gusto akong baguhin? Naging ideal man ko siya dahil matured at matalino, puro ka-immaturan kasi with my past relationship. Gustong- gusto rin siya ng Mama ko dahil way rin daw para makapunta ako sa U.S. dahil hindi na niya ako mapepetisyon kasi over-age na ako. Wala pa po kaming intimate moments dahil naging kami lang nung bumalik siya ng U.S., so nakuntento ako sa Skype at Facebook messenger lang kami nag-uusap. Hanggang may nakilala ako sa office, 8 years younger than me. Mabait, matalino rin, funny at sobrang ma-effort. Doon nagsimula ang lahat. Hinayaan ko siya pumasok sa buhay ko, hinayaan ko siyang iparamdam sakin na gusto niya ako kung ano -ano ang ibinibigay niya sa akin, flowers, chocolates, sobrang effort sa araw- araw na tawag at text until lagi na kami nagkakasama at umabot yung time na may nangyari sa amin.
DJ Chloe, hindi ko naisip na aabot sa ganito ang lahat. Sa maikling panahon (4 months) na lagi kaming magkasama, ang saya ko, pero kapag naiisip ko ang sitwasyon namin napapapikit ako. Ang hirap kasi na in love na ako sa kanya pero madami pa ring ifs and buts dahil sa sitwasyon na may boyfriend ako at paano ang future ko lalo na may anak ako? Di ba ako magsisi kung siya piliin ko lalo na mas bata siya sakin? Madidisappoint na naman ang mama ko dahil nag failed na ako sa past relationship ko tapos ito na naman ako. Ang sakit-sakit kasi hindi ko masabing mahal na mahal ko siya kasi kailangan kong Bigyan ng konsiderasyon ang future ng anak ko. At natatakot ako hanggang kailan niya ako mamahalin? Tama ba ang desisyon kong piliin ang boyfriend ko over him na gustong patunayan na mahal ako, laging nandiyan para sa akin, tanggap kung ano at sino ako. Mahirap sa kanya kasi daw imbis ipaglaban ko siya sa mama ko mas pinipili ko tapusin nalang lahat. Masakit kasi chloe Malaman na habang nag-iintay siya nasasaktan siya. Tama bang piliin ko bf ko? At kalimutan nalang lahat samin?
Hi Miss R,
It really is seldom to find everything in one package. Mas matimbang si boyfriend here, kasi kasama mo siya compared kay LDR. So he really have an advantage. But don’t you think you’re being unfair? Nalilito ka, which clearly means you’re not really into the LDR boyfriend or baka dahil malayo siya sayo. Ano nga ba ang mahalaga sayo? Security? Stability? Love? Ikaw lang makakasagot nyan. Yes follow your heart. Listen to your heart. But consider what your brain is telling you. :)
I can’t tell you who to choose. Only you would know what will make you happy. -
COMMENTS















