CHLOE'S INBOX
Majority Doesn’t Always Win
January 31, 2018
-


Hello DJ Chloe,
Just call me Dom, 41 years old, married and have five (5) kids. I’m working here in Manila at a construction company. I’m sending this message kasi gusto kong humingi ng advice sa inyo at sa mga avid fans niyo. Mula nu’ng nakita ko ang girl na ‘to parang nahulog ang loob ko sa kanya, DJ Chloe. May isang anak at ‘yung hubby niya nasa ibang bansa but they are not married. Nasa isang bahay lang inuuwian namin at nakikita ko siya lagi araw-araw. Minsan ‘di sinasadyang nagkatitigan kami at tumingin naman siya tapos nagkahiyaan. ‘Yung mga titig na ‘yun ang ‘di nagpatulog sa akin ng mga sandaling iyon, DJ. Minsan bigla na lang tumatabi sa’kin na para bang kami na habang akay ‘yung anak niyang four (4) years old. Naglapat pa nga mga binti at paa namin. Minsan nasisiko ko pa nga ‘yung taba niya sa tyan at parang may spark akong nararamdaman. Iniiwasan ko siya pero mahirap kasi nasa isang bahay lang kami. I need your advice, DJ Chloe at alam naman na we have families pero may lihim akong pagtingin sa kanya. Please give me an advice, DJ Chloe. Is this a brotherly love or there is some deeper feelings from both of us. ‘Til here and thanks for reading my message.
Love lots,
Dom
Hi Dom,
Isipin mo na lang na brotherly love nga lang ‘yan.
Kasi if you give it the kind of meaning you want to give, magkakasala ka.
Ayoko nang habaan pa kasi alam mo naman ang sasabihin ko, ‘di ba? Malaki ka na, 41 with wife and kids. Pamukha ko na lang ‘yan sa’yo, then I guess you’ll know what not to do.


-
COMMENTS














