CHLOE'S INBOX
Man-Up And Empower Women
November 28, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Just call me Claire. Pagka po ba ang lalaki ubod ng pintasero, bakla po ba ito?
October nu’ng last nagkita kami kasi kala ko magkakaayos pa kami, magkakabalikan. Hindi na pala so dun nangyari ‘yung pamimintas. He told me nga na ang taba ko na daw ngayon, ang kapal daw pala ng labi ko. Sinukat pa nga face ko at sabay sabing din na raw kasya kahit sa selfie ng cellphone. Then sinabi din niya sa’kin na pagkinasal ako invite ko siya. Wala na daw siya pakialam sa’kin if sino daw maging boyfriend ko. Sinabi din niya na, “sobra mo akong mahal, no?” Hindi naman ako sumagot DJ Chloe kasi totoo naman. Grabe pamimintas niya sa’kin, DJ Chloe. Iba, foul na. Pati amoy ko doon, nakuha niyang pintasan.
Okay lang if payat siya at gwapo eh! Kaso hindi! Ang taba niya kaya at hindi ka-gwapuhan, pero minahal ko siya sobra kahit ganoon ‘yun. Then all of a sudden, after ng pamimintas na ginawa niya magtetext mangangamusta na as if walang nangyari?
May ganyan ba talagang lalaki, DJ? Sobra, tinalo pa babae sa kakapintas.
Salamat po.
Hi Claire!
Oo naman, may ganyan talagang lalaki, ‘di naman siguro bakla pero ang tingin ko at tawag ko sa ganyan BULLY. Siguro na-bully ‘yan ng bonggang bongga noong bata pa, kaya nagkaganyan, hahaha.
Next time if ‘di mo kaya makipagsabayan sa kanya sa pamimintas niya, huwag mo rin namang hayaan na maging kampante siyang pulaan ka ng pulaan.
You don’t have to be a willing victim. The moment he starts doing that, leave! Kung kaya mo, pintasan mo rin, but I’d rather that you choose your battles, lalo’t ‘di ka naman sanay makipag asaran. Minsan kabaliktaran ‘yan, malamang siya ang ‘di maka move on sa’yo na pati amoy mo hinahanap-hanap niya!
Hayaan mo na ‘yan, ipagpatuloy mo na lang ang pagmo-move on at walang sinumang babae ang deserving na kutyain ng kahit sino man.
Grabe na nga nangyayari dito sa atin ngayon. Women are starting to become a hot topic for public ridicule.
Wala naman akong pinapanigan pero minsan maiisip mo, tulad ng nangyari kamakailan lang sa kongreso, tama pa ba ang mga nangyayari? Opinion lang po, sensya na, hahahaha. I hate politics actually!
-
COMMENTS















