Marriage Is Always Made Up Of Three
X

CHLOE'S INBOX

Marriage Is Always Made Up Of Three

August 25, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---MARRIAGE-IS-ALWAYS-MADE-UP-OF-THREE

    Hi DJ Chloe,

    Gusto ko po sanang maglabas ng sama ng loob ko kung pwede po? Kasi hindi ko na po kaya pa! Lalo na kahit sarili kong pamilya iniwan ako. Just call me Chea (Cheya), may three kids na po ako ages four, three, and two years old and kami ni hubby five years nang kasal. Eto po DJ problema ko sa hubby ko, since 2013 na nagsama kami wala syang ibang ginawa sa’kin kundi puro away, and talak ng talak! Yes, DJ, mas matalak siya kesa sa’kin! Ginagawa ko naman lahat ng gusto niya! Alagaan mga bata, maglinis ng bahay, at maglaba. Ngayon po parang daily routine na namin ‘yun and nagsasawa na ako! Gusto ko magtrabaho pero wala akong mapag-iwanan sa mga bata lalo na at maliliit pa sila. DJ, binubugbog din ako ng asawa ko pagnag-aaway kami kahit maliliit na away lumalaki. Feeling ko tuloy DJ mag-isa lang ako. Gusto ko siya hiwalayan tutal naman maliit lang naman tingin niya sa’kin at mukha daw akong pera! Hayy, DJ, ‘di ko na alam gagawin ko. Wala na po ako pamilya, DJ, kaya wala kaming katuwang. Please give me an advice me po. Thank you DJ and sana matulungan niyo po ako. DJ, pa-hide po identity ko please. Thanks po.

    Nu’ng boyfriend ko pa siya, DJ, alam ko matalak na siya kasi paglumalabas kami always niya ako sinesermonan. Umasa lang po ako na magbabago siya. Madalas niya akong sabihan na mukha akong pera! Pero DJ kaya naman po ako nanghihingi ng pera sa kanya kasi panggastos po namin ‘yun ng mga anak niya gaya ng gatas, pagkain namin, pati diaper.

     

    Hi Cheya,

    Well sabi mo nga, mag boyfriend/girlfriend pa lang kayo mahilig na siyang manermon sa’yo, so dapat cue mo na ‘yun to really think and if kaya mo ba ang ugali niyang ganyan or hindi.

    Ganyan naman tayong mga babae talaga eh, nakikita na natin ang mga red flags, sige pa rin tayo, why? Kasi meron tayong Messianic nature, akala natin tayo ang sugong tagapagligtas na makakapag pabago sa ugali ng lalaking minamahal natin ng buong pagkabulag.

    Loving a man won’t change him, a man will change because HE LOVES YOU.

    Ang Diyos lang ang may kakayanang humipo sa puso ng tao upang siyang magbago. Ang mga mag asawa talaga the moment na nagsama na ng ilang taon, diyan na lalabas ang mga ugaling magiging ugat ng palagiang pag-aaway.

    Really, really, this is so cliché. Pero alam mo, Cheya, kung ang Diyos ang nasa gitna niyong dalawa, kung Siya ang third party niyo wala kayong problema. Anything and everything can be possible and will have a solution at magagawa niyo ‘yun peacefully if you both talk without raising your voice at each other.

    Just as you pray for our children, you should also pray for your husband.

    Sayang eh, pamilya kayo, buo kayo, papabuwag kayo?

    When he starts making talak, listen. When he starts shouting with profanities, stop him and tell him kakausapin mo lang siya ‘pagmahinahon na siya.

    Pera? Hinahanapan ka ba at sinasabihang mukhang pera? Pwes i-liquidate mo ang gastusin, ibangga mo sa ibinibigay niyang pera sayo complete with receipts.

    Tatlo ang anak mo, maliliit pa, you want to work? Get into business. Ang daming pwedeng gawin. Kahit sa internet you will learn how to cook, make accessories, pinagdaanan ko ang pag-aalaga ng bata, Cheya, pagtulog ang anak ko, gumagawa ako ng embutido para ibenta sa mga kakilala ko!

    Kahit pulboron alam kong may bibili sa’ yo, sarapan mo lang.

    Walang mangyayari sa kakareklamo mo, dear. Aksyon ang kailangan mong gawin!

    Daming direct-selling companies diyan. Start doing and stop complaining.

    You’re lucky may kadamay ka, pinili mo naman siya, ‘di ba? So panindigan mo na. Ikaw ang ilaw ng tahanan, sabi ng nanay ko ang ikakabuti daw ng isang pamilya ay nasa ina.

    Ke single mother ka, ke may asawa ka basta ina ka kailangang magsakripisyo ka.

    Pray for your family and ask God to change your husband and your attitude / reactions towards what he does.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.