CHLOE'S INBOX
Marriage Is An On-going Sacrament
October 24, 2017
-


Dear DJ Chloe,
I’m an avid listener of Easy Rock since then lalo na ang Chloe’s Inbox. Please hide my identity just call me “Sad Wifey.” It all started na maging malungkutin ako dahil sa mga natuklasan ko. Six years ago, nagloko ang hubby ko pero parang sobrang babaw lang kung iisipin ang lahat dahil sa nahuli kong text na parang ‘di naman nga niya pinapasin the way ang chat ng girl na parang nagmamakaawang magkita at mag-usap sila sabi ni hubby. This girl daw ay laging tinutukso sa kanya kasi nalaman na may gusto sa kanya. ‘Di naman daw nya pinapansin kaya wala akong dapat ipa alala. But DJ Chloe, all these year pala ay ganun lang ang pinaniwala sa’kin ni hubby. Recently, while I was checking my Facebook ewan ko ba bakit ko naisipan kalkalin lahat at napunta ‘ko sa blocking section. May nakita akong nakablock na ‘di ko naman kilala ‘yun name kaya in-unblock ko at chineck ang profile. Actually, teenager na ‘yun gumagamit ng account but nun chineck ko lahat sobrang kinakabahan kasi ako. I found out na siya ‘yung girl na naging issue naming mag-asawa six years ago. Anak, na yata niya gumagamit ng account. Sobrang shocked ako kasi pati po family pic at picture namin ni hubby nakatag siya. Six years ago din lahat ng pictures na ‘yun. And I think tinag niya sarili niya. By that time po kasi PC pa ginagamit sa Facebook so hindi po ako active user kaya ‘di ko po ‘yun napansin noon. DJ, I confronted my husband kung sinong nagblock at umamin siya na siya gumawa. ‘Di ko po ine-expect na dudugtungan niya ‘yung pag-amin niya, DJ. Umamin na po siyang nagkaroon sila ng relasyon pero lust lang daw po lahat ng ‘yun dahil ‘di niya naiwasan matukso. Sobra daw siyang naging mahina nun inunahan siya nu’ng girl at nasundan pa daw po ‘yun ng ilang beses. Sabi pa po niya ‘di naman official na sila kasi ‘di naman nila napag-usapan ‘yung status nila. Sa work daw po nila nangyari at once nun nagkaron ng okasyon at pauwi na siya ng nakainom. Inabangan po siya ng girl at lumabas sila. Grabe, DJ Chloe. To the point na pinakwento ko na siya kasi feeling ko po ang laki kong tanga sa sobrang laki ng tiwala na binigay ko sa kanya. Sabi pa ni hubby nun time daw na nahuli ko ‘yung text ni girl iniiwasan na daw po niya ‘yun kaya ganun. Inamin na daw po niya lahat ngayon kasi parang dala-dala pa din daw po niya ‘yung guilt at gusto niya na maging honest sa’kin dahil pinagkatago-tago niya daw po ‘yun para ‘di ako masaktan pero baka isa daw po ‘yun sa nakakapagpabigat sa buhay namin dahil napakadami pong trials sa aming mag-asawa. Sobrang sakit po, DJ Chloe, na all these year pinapaniwala niya ako na maayos kami, walang sekretuhan. Sobrang tahimik po na tao ni hubby at alam ko sa akin lang po siya nakakapagsabi ng lahat. ‘Di ko po lubos maisip na ginawa niya ‘yun during that time kasi wala din pong sign na nanlamig siya sa akin. Please help me, DJ Chloe. Dahil po sa natuklasan ko nawawala po ako sa focus sa buhay naming. 10 years na po kaming kasal ang dami na din pong trials na dumaan sa’min mag-asawa pero this time parang nawawala po ‘yung tapang ko sa buhay para harapin ‘to. Basag na basag na po tiwala ko kay hubby kahit na ramdam ko naman ‘yung totoong pagmamahal niya at pag-aalaga sa amin parang natatabunan na po ‘yun ng kamalian niya. Ipinagpe-pray ko na lang po sarili ko. Sobrang ang sakit-sakit po ng nararamdaman ko pag naiisip ko to the point napagsasalitaan ko na po ng ‘di maganda si hubby pati mga bata. ‘Pag naaalala ko po umiinit ang ulo ko. Ilang weeks na kaming ganito na parang nawala na ‘yung dating masayang tahanan namin kahit madaming hinaharap na problema nagagawa namin maging totoong masaya. Sa ngayon po pinipilit ko naman maging maayos ang lahat. Siguro gusto ko lang din po marinig ‘yung advice mo kasi sobrang swak na swak po lahat ng advice mo sa mga letter sender. Thank you po sa time sa pagbabasa and thank you po in advance sa magiging advice mo. You’re the best DJ for me more power po sa Chloes’s Inbox.
Yours truly,
Sad Wifey
Sad Wifey,
The affair happened six years ago and you found about it only now? Tama ba? Kasi kung six years ago pa ‘yan at sabi mo nga, nothing has changed sa husband mo, then probably talagang natukso lang siya at malamang until now he is so sorry for it. Lalo’t nalaman mo pa. And I admire your husband for being so honest with you. Siguro, it has been a heavy load for him. He’s been carrying it and you as a wife, he felt safe with you, telling you the truth dahil nalaman mo na, na-corner mo na. All those years he was trying to contain it, it’s because he loves you and he doesn’t want to hurt you by learning about it. If it happened six years ago, let it go. ‘Wag mo nang buksan pa ulit. Ni ‘wag mo nang alamin pa ng alamin ang ano mang bagay na makakaisra pa sa inyo. If your husband is sorry and he is doing his best to change and to prove his worth to you again. Let him. Give him the chance because he is your husband. Ganun talaga, dear. Kanya-kanya tayo ng pagsubok. Pero kung paiiralin mo ang galit, hindi ka matututong magpatawad. Kung patatawarin mo siya, you have more to gain. Just make sure the affair is done and over with. If not, you have all the right to let him go.


-
COMMENTS














