Married Couples Are Not Meant To Separate
X

CHLOE'S INBOX

Married Couples Are Not Meant To Separate

December 6, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-married-couples-are-not-meant-to-separate

    Dear DJ Chloe,

    Gusto ko lang po humingi ng advice nalaman ko po ‘yung asawa ko nangbabae po. Nagwork po kasi siya sa malayo tapos ‘yung Facebook niya po binukasan ko po tapos madami na po siya friends sa Facebook na taga doon kung saan po siya nagwork. So I asked him. Totoo po may babae po ang asawa ko doon. ‘Yng kapatid niyang babae po nagtanong po sa’kin kung okay po kami ng kuya niya. Sabi ko po sa kanya hindi. Isang taon at apat na buwan pa lang po kaming kasal, wala po kaming anak. Nu’ng kinasal po kami hindi pa po kami nagsasama sa isang bahay dahil po may work kami parehas.Gusto niya pong magkaayos kami pero sa sobrang galit ko po hindi ko matanggap ‘yung ginawa niya sa’kin. Hindi naman po ako nagkulang sa kanya. Kung ano po gusto niya ipabili, kung ano-ano po binibigay ko. Iniintindi ko po siya. Tinanong ko po sa kanya ano pagkukulang ko bakit nagawa mo sa’kin ‘yun. Hindi niya po ako sinasagot. Minsan po sinasabi niya sa’kin na hindi niya daw alam.

    Ngayon po ayaw niya na po sa’kin. Makikipaghiwalay na daw po siya kasi pagod na daw po siya sa’kin. ‘Yung kinalolokohan niya pong babae may anak po sa ibang lalaki ,single parent po ‘yun. Tapos kinuha pa talaga nu’ng babae ‘yung number ko at nagtext po sa’kin na syota daw po siya ng asawa ko at sabi po ng babae ako daw po ang nakipaghiwalay sa asawa ko. Kasi ‘yun po ‘yung sabi ng asawa ko sa kanya.

    This week po uuwi ‘yung asawa ko kasi sabi ko po sa kanya pag-usapan namin. Gusto ko po kasi magkaayos kami dahil mahal na mahal ko po ‘yung asawa ko. Hindi ko po kakayanin na maghiwalay kami kahit sinasabi niya po sa’kin ‘yun. Sa side ko po gusto nila iwan ko ‘yung asawa ko. ‘Wag daw po ako maghabol kasi hindi nman daw ‘yun kawalan pero ‘yung sa’kin po kasi ayokong maghiwalay kami ng asawa ko. Sabihin na po nila na ang tanga-tanga ‘ko po pero hindi naman po siguro masama ‘yung desisyon kong magkaayos kami ng asawa ko. Need ko lang po ng advice. Salamat po, DJ Chloe.

    Miss L

    Dear Miss L,

    Ideally kasi hindi talaga dapat naghihiwalay ang mag-asawa eh. Kaya nga usually once mag-abroad na ang isa man sa mag asawa dun na nagiging impyerno ang buhay mag-asawa nila.

    I think your husband still thinks he is single. Buhay binata pa siya lalo’t malayo sa’yo.

    At maraming babae din ang okay lang sa kanila ang may asawa. Minsan mas agresibo pa sila at pursigido kapag may asawa.

    Ewan ko ba. Some are up for the competition. They feel like they are more beautiful and mas kaakit-akit sila dahil mas sila ang pinipili kesa sa tunay na asawa.

    Hindi lang ito kasalanan ng babae ng asawa mo, kasi ‘di mo rin alam ano sinabi sa kanya ng husband mo. Maybe he said hiwalay na nga kayo.

    This is more of you and your husband’s fault.

    Hindi naman masama kung ipaglaban mo siya, you have all the legal rights, ikaw ang asawa. The question is: mapipilit mo ba ang ayaw? Mapilit mo man, pa’no ‘pag umulit? Until when are you willing to forgive and to give endless chances?

    Fight for your marriage. No one’s stopping you. When you get tired, no one can also blame you, if  you decide to “desist”.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.