CHLOE'S INBOX
Maturity Matters In A Relationship
February 27, 2017
-


Hi, DJ Chloe!
Give some advice. Pagalitan mo ‘ko, tawagin mo ‘kong “tanga”, okay lang. DJ Chloe, LDR po kami ng girlfriend ko, ay sorry, ex-girlfriend na ata. ‘Di ko alam eh. Nagkatampuhan kasi kami last two months ago dahil sa photo shoot niya sa barko. Pinagbawalan ko siya maging model ng barko nila pero ‘di niya ako sinunod kaya doon po nag-umpisa ang lagi naming pag-aaway. Selosan dito, selosan doon hanggang sa huli na gusto ko sana space lang kasi napagod din ako sa sakit na naramdaman ko; na para sa’kin hindi ako importante sa kanya. Lahat na lang ng kanya gusto masusunod. Hanggang ayaw niya tanggapin ‘yung gusto ko. Gusto niya na kami , okay kami pero walang commitment or status. Hanggang sa nagpost po ako kasama ang OJT sa office namin nakalagay po doon sa wall ko na, “‘Di baleng binabaliwala ka ng iba ang importante may nagpapasaya sa’yo na nasa tabi mo lang.” At biglang nagchat siya, nagalit, nakipagbreak. At ako naman ang ayaw ng ganun. Ang gusto ko sana na kami pero my space lang. Chinat ko siya whole day, night and day pero seen-zone lang ako hanggang nagpost siya. Nagcomment ako doon, sinita ko ‘yung dating nanliligaw sa kanya, lalong ngalit sa’kin hanggang ‘di ko na nakikita ‘yung singsing na binigay ko sa kanya. Tinapon na ata sa dagat. One month na, DJ Chloe, ‘di pa rin ako pinansin. Hanggang sa nalaman ko na may ka-chat siyang ibang guy. Ang sakit-sakit sa part ko kasi umaasa ako na magiging okay kami pagbalik niya. Anp po ba dapat kong gawin? Maglet go na rin ba kagaya niya? Na ganun-ganun niya na lang itapon ‘yung seven yers namin? Tulungan mo naman po ako, DJ Chloe! Nahihirapan na ‘ko, ang gulo-gulo ng utak ko parang give-up na ‘ko sa life ko.
H
Dear H,
Ano ang dapat mong gawin? Magpakamature! Masyado ka kasing mapagpatol. Isa pa, bakit bawal ka ng bawal? Asawa mo na ba ‘yan? Ke mapalalaki o babae kapag pinagbabawalan ng kung ano-ano lalong nagpupumiglas ‘yan. Hayaan mo lang dahil may sariling isip ‘yan. Tulad mo rin, ‘di ba? Nagpost ka pa na may kasamang OJT, may caption pa ng ka-ekekan, ano? Grow up!


-
COMMENTS














