CHLOE'S INBOX
Maybe It’s Time To Fly Solo
June 29, 2017
-


Hi DJ Chloe,
I’m an avid listener of your station and I really love your segment po. You can call me Ms. K. I’m 27 y/o and I already have a kid. Hiwalay na kami ng father niya kasi babaero po siya and last November nabuntis po ‘yung girl that’s why I decided na makipaghiwalay na po kahit sinasabi niya na hindi sa kanya ‘yung ipinagbubuntis. May kaya po ang family niya at sabi nila ipapa-DNA test nila ‘yung bata paglabas. Civil naman po kami ni ex, he visits our son. Okay naman po sa’kin kasi malapit sa kanya ‘yung anak namin and ayoko ipagkait ‘yun sa kanila magdaddy.
Then DJ Chloe, last January I started chatting sa friend ko na may family na rin. Siya ang naunang magparamdam po. At first, ayoko po pero naging persistent po siya until na-fall ako knowing all about his family. Naging discreet po ang relasyon namin. Paminsan ay nagkikita kami, he lives in province so madalang po kami magkita pero through chats and calls, video call ay halos araw-araw po. Kapag nasa work siya means time na namin then when he’s with his family po ay ‘di kami nag-uusap. Tiniis ko po kasi ayoko makasira ng family. Okay po kami sa setup kaso ang problem lang po napakaseloso nisya when it comes sa father ng anak ko. Maski civil lang kaming dalawa ay ayaw niya. Until three weeks ago ay bigla na siyang hindi nagparamdam. Mahal ko na siya DJ Chloe, nasaktan ako, naiwan ako sa ere. I did everything para makipagusap sa kanya pero ayaw na niya. He blocked me sa lahat po. Gusto ko lang sana ng closure kasi ano po ba ang dapat ko gawin DJ Chloe? O dapat po ba na bigyan ko na lang ng chance ulit ‘yung father ng anak ko para maayos ang family namin? Thank you so much. Sana po ay mapayuhan niyo ako. God bless.
Ms. K.
Hi Miss K!
It’s ok to be civil with the father of your child that’s the only thing you should do, be civil with him.
You are not under any obligation to give him another chance, to take him back in your life, not unless he is deeply sorry for what he did to you, unless he is a changed man. If he is still the same, bakit mo naman pupulutin pa ulit ang batong itinapon mo na para ipamukpok uli sa ulo mo?
Now with regards to this other guy WITH A FAMILY, ano naman ang karapatan niyang magselos sa tatay ng anak mo? At ano naman ang karapatan mong makipagmabutihan sa kanya? Eh ang ginagawa niya, ginawa rin sa’yo ng asawa mo, ‘di ba?
‘Di ko na pahahabain ‘to, ano sa tingin mo? Tama ba ang ginagawa mo?
Why not try to be happy ALONE? if you’re happy being alone , having someone doesn’t become a necessity.


-
COMMENTS














