CHLOE'S INBOX
Maybe it’s time to walk away
March 13, 2019
-


Hi DJ Chloe,
I’m Gebelle. Sumulat po ako kasi gulong-gulo na po isip ko tsaka parang everyday na lang po napakabigat ng dibdib ko. Meron po akong asawa, 11 years na po kami kasal, wala pa po kaming baby. Mas older po ang asawa ko sa akin ng 16 years. Dumating pa ang problema namin simula ng lumipat kami ng bahay three (3) years ago. Nakilala ko po doon si Gino, kapit-bahay namin. Meron din po siya asawa, may dalawang (2) anak. Magsimula po ito nang plagi niya ako hinihintay umuwi, tagabukas ko ng gate. Sabihin na po natin na siya ‘yung tipo na one-call away. Nandyan na agad. To make the story short, mas may effort pa po siya kesa sa asawa ko. Kami po, kilala na namin ang isa’t-isa kahit two (2) years pa lang kami. Alam ko p masama pero mas mahal ko na po siya kesa sa asawa ko. Ganun din siya, alam po namin mali pero mahal po namin ang isa’t-isa. Pero ilang beses na rin po kami naghiwalay pero nagbabalikan pa rin po kami. Nag-iisip na rin po kami tapusin na namin ito kahit masakit. Hanggang isang araw po nangyari ang pinakamasakit, naaksidente po si Gino. Naholdap at ang masakit pa po na-coma po syia. Tanong ko lang po kung senyales po ba ito na itigil na namin kahit mahal namin ang isa’t-isa? Salamat po, DJ Chloe.
Hello!
Ikaw Gebelle, kaya mo pa ba siyang mahalin kahit comatose siya? Makikipagpalitan ka ba ng oras ng pagbabantay sa asawa niya? Kahit naman mahal niyo ang isa’t-isa eh ‘di naman nga pwede, anong gagawin mo? P’wede mo pa namang mahalin ‘yan kahit ‘di na kayo eh. Love from afar. Sa tingin ko panahon na ang nagsasabing tama na…kaya tama na. Naging masaya ka naman na for a time eh…so enough.
-
COMMENTS















