CHLOE'S INBOX
Meant to cross paths but not meant to stay
May 17, 2019
-
DISCLAIMER: The content below may consist of ideas and subject matters suited only for adult audiences. Audience below 18 is advised to view this content under adult supervision.


Hi DJ Chloe,
I’m writing you para lumuwag naman ang kalooban ko at isipan ko. May karelasyon ako. Two (2) years na kami nasa US siya. 1983 pa magkakilala na kami. Pareho namin gusto ang isa’t-isa. Pero kinulang kami sa panahon dahil kinailangan na niyang pumunta sa US. 2012 nasa Saudi ako, OFW ako DJ Chloe.
May message request ako sa Messenger, hindi familiar sa akin ang name at pati na ang profile picture niya hindi ko na kilala. So binlock ko. 2017, January, nagshow up ang message request niya ulit nang iki-click ko, ayaw. Sabi ko, “bakit ayaw maopen?” Sinearch ko name niya, ‘di ko din masearch, so sabi ko, “ano ito nakablock ako or siya ang nakablock sa akin? Pero kung nakablock ako or siya, bakit nagshow up ang message niya after four (4) years?” So chineck ko blocklist ko sa Fcebook at nakita ko name niya, so unblock ko para maopen ko message niya. At ito ang nakasulat sa message niya:
“Hi how are you? Please take care of yourself, regards to your mom and to your brother Ver.”
So, I was wondering bakit kilala niya ang mom ko at ang brother ko samantalang my brother passed away last 2003 pa. So, I messaged him sabi ko hi lang. Nagreply siya and that’s it doon na kami nagstart. Until last December 2018 umuwi siya dito sa Pinas and he stayed with me for three (3) weeks. January 2019, bumalik siya sa US. May promise siya sa akin na patatapusin lang niya ng college ang anak niyang bunso tapos sasama na siya sa akin. Yes, DJ Chloe, he is married with two (2) children. Ang eldest niya is 33 years old na, so ‘yung youngest nga ang patatapusin lang niya. Sabi niya talagang sasama siya sa akin dahil ako daw ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda niya. But lately may nagmessage sa asawa niya at sinusumbong kami pati mga pictures namin sinend sa asawa niya. So hindi siya umamin, sabi niya mahinang-mahina ang asawa niya, she’s suffering of thyroid cancer and lately nagbi-bleeding siya sa rectum niya and she’s losing weight. Kaya hindi daw niya maamin. Basta hindi daw niya ako kaya mawala, be patient lang daw and trust him. Hindi niya ako pinababayaan, DJ Chloe, suportado niya ako for two (2) years, siya lahat, consistent ang padala niya. Wala akong masasabi, ang problema ko lately ramdam ko nanlalamig siya sa akin. Regular pa naman ang video call naming—calls and chats. ‘Yun lang late na siya lagi at nag-iba kami ng apps dati sa WhatsApp kami—Viber. Pero nakikita daw ng asawa niya kung nakaonline siya so doon kame sa Google Duo. Pati pagpasok niya sakto na lang. Hindi na maaga kasi siyempre magtataka asawa niya. Lahat nakamonitor na. Dapat ba akong magdemand? Sabi niya sa akin, “you’re my true wife. Mag-asawa tayo. ‘Yan ang ilagay mo sa isip mo, nauna ka kaysa sa kanya.” Pero iba ang kinikilos niya, takot na takot siya at alalang-alala sa asawa niya. Nagnenega ako madalas, nagseselos lalo na kapag may mga okasyon. Alam ko masaya sila. Payo ng mga friends ko just go with the flow. “As long as pinapadalan ka niya and that is what important. May promise siya, may plano, so wait mo lang ‘yun.” Tama ba ‘yun, DJ Chloe? Aaminin ko, wala akong work at sa kanya lang ako umaasa. Kapag binitawan ko siya hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay. Ang anak ko may sariling buhay na. I’m 52 na, hindi na makakakuha basta ng work lalo na abroad. Pero hindi naman tama na sundin ko ang payo ng mga friends ko. Mahal na mahal na mahal ko siya, DJ Chloe. Gusto ko siya maalagaan, mapagsilbihan, at makasama hanggang sa pagtanda namin. Alaga, pagsisilbi, lambing, at sex na hindi binibigay ng asawa niya. Sobrang matapang daw at panay ang utos sa kanya. Siya ang naghuhugas ng pinggan at mga pinaglutuan ng asawa niya kung magluluto pero madalas hindi. ‘Yun pa isa na dinadaing niya, linis ng bahay at banyo siya lahat. Pumapasok kasi ang asawa niya, manager sa isang supermarket. DJ Chloe please pagpayuhan mo ako. Dapat bang magdemand ako? Dapat ko bang sundin ang payo ng mga friends ko? Paano kaya ako kung lalayuan ko siya at paano ang pagmamahal ko sa kanya? Ang tadhana hindi nakisama noon pinagtagpo muli kami pero sa maling sitwasyon. Maraming Salamat, DJ Chloe! Lagi akong nakikinig sa station ninyo. More power!!! God bless!!! Sorry, DJ Chloe, by the way I’m Cora from Valenzuela City. Thank you.
Hi Ate Cora!
Ang hindi lang maganda sa love story niyo, may money involved. But I asked you, what if ‘di ka na bigyan, mahal mo pa rin ba? Maghihintay ka pa rin? Sabi mo, oo. Minsan madali lang ‘yan sabihin, but once you’re not receiving anything from him anymore and there’s the pressure of finding money, I doubt if makapaglaan ka pa ng oras na isipin ‘yan. Try mo din, ate, na maghanap ng sariling hanap. Anyways, if the wife is sick and terminal, how come she can still monitor? Sick but still working as a manager? Sabagay baka ‘di pa naman nakaratay. Bantay sarado and all? ‘Di ba dapat wala ng pakialam ‘yan sa asawa niya dahil mas iisipin niyan ang magpagaling, makarecover, o ‘di naman kaya magpakasaya na lang dahil nabibilang na ang mga araw niya? If I am in the wife’s shoes and I find out my husband is cheating on me despite my condition, baka mauna pa ‘yan sa’kin sa hukay. May sakit na nga ako, g*g*guhin pa ako? Sorry for the word, pero sabagay I know of some stories, naghihirap ang babae, si lalaki busy na magka-anak sa iba. And I believe that’s even more painful than the actual pain of being sick. True friends will tell you na maawa ka sa asawa niya kung talagang may sakit, and just leave them alone. If you were in the wife’s shoes, okay lang ba sa’yo na ganyan ang asawa mo? You’re 52 na ate, and looking at your profile, you don’t look your age. Ang daming ibang kaedad mo busy pa magnegosyo. Wala ng sasarap sa pakiramdam na ginagastos mo sarili mong pera. ‘Di ka naman baldado para umasa sa iba all your life. You said mahal mo…mahal na mahal mo. Then mahalin mo kahit malayo, no one can tell you to stop, it’s just you and your morals, ate. Hirap niyan kung ang perang tinatamasa mo, galing pa sa asawa niya. You may have your reasons for holding on pero siguro para ‘di ka mahirapan, isipin mo na lang, kung sa’yo kaya gawin ‘yan… matutuwa ka ba? Sabagay sabi nga ng mga kaibigan mo, may promise, may plano. Words are cheap you know. ‘Yung isang sender nga the other day, seven (7) years pinaghintay. Ang ending mas pinili yung asawa at tatlong anak. ‘Yung tatlong anak nabuo while waiting for seven (7) years si other woman. You can try, the only way naman to find out if you can trust a person is to try trusting them, ‘di ba? It’s just you and your life, anyway. Twice na na maling panahon kayo hindi talaga meant to be. Some people are just meant to cross our path but not meant to stay.
-
COMMENTS















