CHLOE'S INBOX
The measure of true friendship
April 9, 2019
-


Good PM, DJ!
Tago niyo na lang ako sa name na Rose. Apat (4) kaming magkakaibigan. Pare-pareho kaming may asawa at mga anak. Ang saya naming, DJ. Lalo na pag gumagala kami. Nandyan ‘yung kwentuhan at asaran, tawanan. Kala ko talaga forever kaming magka-kaibigan. ‘Yung pinakabunso naming friend nagkaroon ng ibang lalaki at ako lang ang nakakaalam, DJ. At lagi na silang lumalabs. One time, kasama ako, at noon ding araw na ‘yun pinalabs ng friend ko na hiwalay na daw sila. Lumipas ang four (4) months, inamin niya sa’kin na sila pa at may nangyari na sa kanila. Ang saya niya at madalas silang lumabas. At minsan nagcoment ako sa post niya at nasaktan siya. NagPM siya sa’kin. Bakit daw ganoon ‘yung sinabi ko na lahat sa kanya at nainis na ako sa mga ginagawa niya at sinabi ko sa kanya dapat humiwalay na siya dahil kawawa naman asawa at mga anak niya. At mula noon nagalit siya sa’kin. At hanggang ngayon, ‘di na kami nag-iimikan. Mali po ba, DJ ginawa ko na pinagsabihan ko siya? Salamat po pag binasa niyo ito.
Hi Rose!!
You did nothing wrong. She got mad because the truth really hurts, and you told her the truth na nakakasira ng pamilya ang ginagawa niya at kawawa nga ang mga anak niya. You are a good friend, because only a good and true friend will tell you what you don’t want to hear. You’ve said your piece, now let go. It’s enough na nakasama mo sila once na lumabas baka mamaya madamay ka pa, magalit sa’yo ang asawa niyan. Hayaan mo siya sa ginagawa niya dahil pagnalaman ‘yan ng asawa niya he might think kasabwat ka or alam mo na hindi mo pa sinabi sa kanya. Iwasan mo na siya and just focus on your own family, you can also find new friends and that’s okay. She’s playing with fire and she’s liking it, she’ll only stop if she gets burned.
-
COMMENTS















