If He Mistreats You, He's Not Worth It
X

CHLOE'S INBOX

If He Mistreats You, He’s Not Worth It

September 19, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-if-he-mistreats-you-he-is-not-worth-it

    Hi DJ Chloe, just call me Avi.

    Ang tagal ko nang gustong magmessage sa’yo pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob to seek advice. I am a single mother with one child. I met this man sa dati kong work sa may Quezon City. He has a partner and two daughters pero hindi kasal. Naging magkaibigan kami, nagsasabihan ng problema, minsan nagkakasama din gumala hanggang sa tinanong nya ko if mahal ko daw ba siya. That time sinabi niya sa’kin na wala na sila ng partner niya at para sa mga bata na lang kaya nag-uusap sila. He even cried nu’ng time na sinasabi niya ang mga “ginawa” ng partner niya sa kany. Na “niloko” daw siya and he wasn’t sure kung anak ba niya talaga ‘yung bunso nila. To cut the story short, naging kami, DJ Chloe at dumating sa point na nagsasama na kami sa apartment ko. One day, habang naliligo siya, hindi ko sinasadya na makita ‘yung notification sa phone niya, so binasa ko. And I found out na meron pa pala silang relasyon ni girl number one. Kinonfront ko siya about it pero nagdeny siya to the point na nasaktan niya ko ng pisikal. That day mismo, umalis na ko sa apartment dala lahat ng gamit ko. After that, bumalik siya sa original niya at ako nagresign at humanap ng ibang work. After a year, nagparamdam siya sa’kin. Akala ko nakamove-on na ako at wala na sa’ken lahat kahit Makita ko pa siya at may kukunin lang naman akong importanteng gamit sa kanya.

    Pinuntahan niya ‘ko sa work ko. Aaminin ko, may nangyari ulit sa’min. The next day nagmessage sa’kin ‘yung girl, nagmamakaawa na ibalik ko ang partner niya, I felt guilty. Sabi ko wala naman sa’kin ang partner niya. After that day, nagkikita na kami ulit hanggang sa dumating ‘yung time na umalis na ‘yung girl at iniwan na siya. Ito na ngayon ‘yung problema. Pinatitira niya ko sa condo nila, ‘di ako pumayag. Ang ginagawa naming nagpupunta na lang ako dun after office then uuwi din. Madaming beses sa tuwing mag-aaway kami, nasasaktan niya ako ng pisikal to the point na tinutukan niya pa ‘ko ng kutsilyo. Napapansin ko din sa kanya na lagi siyang demanding when it comes to financial expenses. Ako palagi ang may sagot at may gastos. Until one day, nahawakan ko ulit phone niya at nakita ko mga messages sa messenger. May mga babae siyang kinakausap ng sweet at pinatitira din niya sa condo niya. Hindi lang isa, DJ Chloe. Madami sila. Kinonfront ko ulit siya at ganun ulit, sinaktan na naman niya ‘ko ng pisikal. Every time na may ganung nangyayari nagsosorry lang siya at ako naman, pinapatawad lang siya. Lately, napapansin ko, hindi na siya nagpaparamdam, bihira na siya magtext at never na niya akong tinatawagan. At napapansin ko, every time na malapit na ang payday siya nagpaparamdam at naglalambing. I shut him down, ‘di ako nagparamdam, ‘di ako nagtext at nagpakita. Ngayon siya itong nagtetext at nagpaparamdam sa sakin na ayaw daw niya ko mawala, gumagawa na siya ng storya na natanggal siya sa work o nagkasakit siya at nasa ospital para lang magpakita ako sa kanya. Dumadating na sa point na naaawa na ‘ko at gusto ko na ulit siyang balikan pero sa t’wing naaalala ko lahat, nawawalan ako ng gana. Sa t’wing naiisip ko mga nabasa ko, nandidiri ako sa kanya. Kailangan ko lang ng booster para tuluyan ko na syang layuan. Please help me. Thanks for reading my message. More power.

    Dear Avi,

    No deal na dapat lalo’t nananakit physically! What is there for you to feel any panghihinayang sa lalaking ito na ang kabuhayan eh manloko at mang gamit ng babae?

    Nakakaturn-off ang lalaking tamad at asa sa babae. Every payday lang nagpaparamdam? Ano ka ATM? Dear, if you cannot keep yourself away from him in spite and despite of him making you a punching bag and asking money from you and making you his sugar mommy, then ikaw ang may problema. Hindi siya, kasi siya ganyan na siya. He is a prick and he will be like that until I don’t know when. And nothing and no one can ever change him and he will never change for you or for anyone for as long as there are woman like you who are a willing victim. And who would tolerate him in the highest form of it!

    Hindi na ito ihinihingi ng advice! Once ka lang saktan kahit pitik pa ‘yan, layas na! At ‘wag na ‘wag ka ng babalik pa. Ano inaantay mo? Bumaon pa sa katawan mo ang kutsilyo? Sis!!!! What a way to die, not worth it!!!!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.