CHLOE'S INBOX
Money, Relationships, And Hate In Between
May 26, 2017
-


Hi, DJ Chloe! Hope you still remember me, I’m Mrs. L!
Remember me, ako ‘yung newlywed lang na almost three weeks wala pang nagaganap sa’min ng asawa ko and promised you na kapag may naganap na I will let you know. Okay, meron naman pong nangyari na sa’min ilang times din bago siya bumalik sa country kung saan siya base. But, DJ Chloe, I know for sure that what’s happening right now sa’min ang pinakalowest part ng buhay ko. Last April, bumalik na siya at alam niyo ba na hanggang ngayon almost one month na kaming ‘di nag-uusap ng maayos? Nag-iba lahat DJ Chloe nu’ng bumalik siya dun. ‘Di ko alam na tinawagan niya pala lahat ng kamag-anak at kaibigan ko dito para tanungin sa kanila kung may utang ako. ‘Di ko alam nu’ng nandito pala siya naging silent observer siya sa’kin. Ngayon nu’ng nalaman niya na may nahiraman ako sa mga kapatid ko nagbago na ang lahat.
Nakadinig na ‘ko ng masasakit na salita sa kanya na niloko ko siya, na pinahulog ko ang loob ko sa kanya para pakasalan ako at makuha ako to go sa bansa na tinitirhan niya. DJ Chloe, nu’ng nandito siya almost ako lahat gumastos sa bakasyon niya, ako lahat nagprovide nun kasi gusto ko naman na maayos ang bakasyon niya dito. Ngayon, DJ Chloe alam ko na ang naging suma total ng pinanggagalingan niy,a inisip niya financially stable ako at nu’ng nalaman niya na hindi naman doon siya nagbago. Pinakiusapan na siya ng kapatid at mother ko na maayos sana kami pero ayaw niya. Bigyan daw muna siya ng oras para mapatawad ako? Mapatawad saan? Dahil may utang ako sa mga kapatid ko at inisip niya na baka siya ang magbayad nun? Halos gabi-gabi ako umiiyak, DJ Chloe, sa sakit ng kalooban ko bakit naging ganun lahat samantalang una pa lang naman alam niya na bilang mag-asawa magstart kami sa zero. Bakit ganun? Please, give advice. Dahil parang susuko na ‘ko. Thank you.
Mrs. L
Dear Mrs. L,
So you pretended that you have “money” to burn… ikaw gumastos sa bakasyon niya, nagkanda utang-utang ka pa. Bagay na ‘di mo dapat ginawa.
Kung ano lang ang meron ka, ‘yun lang!
Kaya tayo napapahamak because we bite off more than what we can chew!
Gaano ba kalaki na-incur mong utang? Malamang kaya siya nagalit , he was expecting na stable ka nga dahil ikaw gumastos eh. ‘Di mo man lang pinagshare? At tsaka, lalaki siya eh. Okay lang na ‘di siya lahat ang gumastos pero mag-asawa kayo eh. Dapat share, at least. Or naging truthful ka sa kanya na sagot mo lang ang merienda niyo. Kanya ang breakfast, lunch, at dinner.
Sa lahat ang pinakapangit pag-awayan ng mag-asawa is pera.
‘Di mo na mababago basta-basta ang ugali niya sa pera.
Now, ikaw ang mag-isip, mag-tiis, or lumaban.
I can’t tell you to leave. Only you know how much you can take.


-
COMMENTS














