"It's been a month since we last talked"
X

CHLOE'S INBOX

“It’s been a month since we last talked”

November 8, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IT'S-BEEN-A-MONTH-SINCE-WE-LAST-TALKED

    Good evening DJ Chloe,

    Gusto ko lang po sana humingi ng advice para sa problema ko. Hindi ko na po kasi kinakaya ang nararamdaman ko ngayon. Dahilan na pati dinadala ko naaapektuhan na din. Tawagin niyo na lang po ako sa name ko as Mary. Ganito po kasi ‘yun. Ang asawa ko po kasi, I mean kinakasama ko po pala at ‘di naman kami kasal, hindi ko na po alam kung ano po gagawin ko dahil hindi po siya nagpaparamdam sa’min mag-iina. Mag-iisang buwan na po simula nu’ng last naming pag-uusap na ‘di nga kami nagkaintindihan dahil po sa nangako siya na magbibigay ng pampacheck-up ng anak namin. Puro lang po kasi siya pangako tapos kapag nasa oras na po ng pangangailangan eh wala naman po pala kami dapat hintayin. Ang masaklap pa po ni text o tawag wala man lang po. Nakapagtataka lang po dahil dati naman ilang araw lang lumipas hindi niya matiis na ‘di niya makausap mga anak namin. Pero ngayon buwan na lumipas wala po talaga siyang paramdam. Hindi ko na po alam kung ano isasagot ko sa mga anak ko kapag nagtatanong sila tungkol sa papa nila. Mahirap po kasi ganitong buntis pa ‘ko, naguguluhan na po ako. Gusto ko mag-isip ng masama sa kanya pero may part ng utak ko na baka talagang busy lang sa trabaho niya. Thank you po, DJ Chloe. More power po sa station niyo. God bless po.

    Hi Mary,

    I can just imagine your worries right now. I wonder, hindi mo ba alam saan ang opisina ng partner mo? Bakit ‘di mo puntahan? Hindi mo naman ‘yan boyfriend lang eh, may mga anak na kayo. Kung sobrang busy sa trabaho hindi naman dahilan ‘yun para hindi na maalala pang umuwi. There is another problem that you need to confront. Whatever that is, I do not know. Unless natokhang ‘yan, then malamang ‘di mo na mahanap pa or nakakulong, pero kung hindi naman you have to find out for yourself. Ang daming paraan. Puntahan sa office, puntahan sa bahay ng mga magulang, ipablotter kung ilang araw nang ‘di umuuwi. Buwan na ang lumilipas kamo? Dapat linggo lang, ‘di ba dapat nagpapanic ka na?

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.