CHLOE'S INBOX
Mother-Daughter Issues
August 16, 2016
-


Hello DJ Chloe,
I need an advice please. I’m a single mom and I have two kids. Ang problema ko po ay ‘yung bunso ko. She’s a girl. A grade 8 student at nababahala ako lately ng malaman kong may boyfrien na siya. Bago pa lang sila nagg malaman ko. At ‘yung boyfriend niya ay bad influence sa kanya–gangster, nanood ng porn stuff, at natuto na siya mgsinungaling.
Nu’ng malaman ko ‘yun pinalo ko siya. Muntik ko na siya patigilin sa pag-aaral pero being a nanay, inisip ko na sayang ang taon tutal sabi niya gusto niya mag-aral so pinapasok ko ulit siya. Pero todo gwardia at parang laging may hearing sa bahay, which is hindi naman po ako ganun. I’m an introvert at hindi ako sanay na magtanong-tanong, sobrang hirap sa’kin but I’m going out of my way para sa anak ko.
Akala ko po okay na, nag-aaral na siya, on time umuwi kasi hatid-sundo, hawak ko ‘yung phone niya pati Facebook niya ako nag-maintain dahil sa sobrang paranoid ko. Ako nakikipagchat sa mga friends niya using her name at dun ko nalaman na sila pa din. Sobrang sakit nu’ng pagsinungalingan ka ng madaming beses.
Tapos two days ago nakita ko ‘yung left arm niya na sinugatan niya. Kinompronta ko siya at napalo ko ulit. Sa tingin ko kasi feeling niya hindi ako fair kasi ‘yung kuya niya na 15 years old ay may girlfriend na din at open sa’kin.
‘Yung panganay ko is lalaki, hindi palalabas, ‘yung girlfriend niya is consistent honor student at may kontrol sa sarili at very opposite sa dalaga ko. ‘Yung bunso ko marami siyang friends, sa Facebook at at dito sa labas, madali siyang mauto. Hindi siya marunong pumili ng friends. Since I hacked her Facebook account nakita ko kung sino-sino ang mga bad influence sa kanya pero sadly ako ang kontrabida.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pahihintuin ko ba siya sa pag-aaral or ililipat? Naisip ko kasi pag nilipat ko siya at ganun pa rin ang thinking niya mauulit lang lahat, kaya lang naiisip ko pa din kung ano mararamdaman niya. Baka lalong magrebelde at maglayas, sana mapayuhan niyo po ako.
Thank you, DJ Chloe, kailangan ko talaga ng advice, please.
Mommy Lhyn
Dear Mommy Lhyn,
Let’s take it from here mommy: “Akala ko po okay na, nag-aaral na siya, on time umuwi kasi hatid-sundo, hawak ko ‘yung phone niya pati Facebook niya ako nag-maintain dahil sa sobrang paranoid ko. Ako nakikipagchat sa mga friends niya using her name at dun ko nalaman na sila pa din. Sobrang sakit nu’ng pagsinungalingan ka ng madaming beses. ”
Sobrang sakit sa’yo pero sobrang sama ng ginawa mo. Mali ang magbasa ng messages ng iba, ‘di ba? Kahit anak mo ‘yan. May right ‘yan sa privacy. Unless, probably, it’s a matter of life and death.
You have said so much about the boy he is into puppy love with, did you at least get to know him personally? Her friends? Do you know her friends? Do you take the time to talk to them, invite them at your house for an afternoon snack, and get to know who they are, where they live, who their parents are?
Mommy, it’s important that we know sino ang mga kaibigan ng mga anak natin. At kung may crush, makipag kwentuhan, alamin sino ang crush. Masarap ang feeling na ang anak mo ay nagsasabi sa’yo. Besides, kids at this age, may mga sariling mundo na mga ‘yan. Mas gusto nila magconfide sa friends.
I always say this, “let us not pray for what we want for our kids, let us pray for what is best for our kids.”
Ito pa mommy ha, do not ever compare your child to another. Oh, eh ano naman kung consistent honor student ang girlfriend ng anak mong lalaki? May control at hindi palalabas? Samantalang ang anak mo miss congeniality, so? Ako bulakbol din dati, recess ang paborito kong subject at mas gusto ko ang pasayaw-sayaw ‘pag may school event kaysa mga quiz bee. Don’t me sa mga ganyan!
Pero you know what, ‘yung kilala ko na multi-awarded noon sa school dahil super excel sa academics at tapos sa klase ng work niya, nakikita namin sa TV, nalaman ko kabit ngayon. Bilog ang mundo, mommy. ‘Wag ganyan ang tingin mo sa anak mo, ha? Masyado mo siyang kinakawawa, para sa’kin ha.
I mean, do not ever compare. I hate that. Your daughter hates that. How about you? Would you like to be compared to another mother by your daughter and she tells people, “ang cool ng mom ni ganyan, nanay ko Hitler eh.”
But anyways, sabi mo ‘di mo alam what to do. To let her stop schooling or transfer her, minsan malaking factor din ang school and environment sa bata. Pero still, everything starts AT HOME.
Make your home a nice and good and homey place to want to get home to all the time. Kaibiganin mo anak mo, Mommy Lhyn. Sometimes when it’s hard being a mother, maybe we can try being a friend. Tutal bad influence mga friends niya kamo, be the good influence kind of friend to her. But still remaining to be her mother, hirap ‘no? Biologically it’s easy to be a mother but really hard to be a damn good one. :)
-
COMMENTS















