Mother-In-Law Talks
X

CHLOE'S INBOX

Mother-In-Law Talks

January 31, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---MOTHER-IN-LAW-TALKS

    Hi, DJ Chloe!

    I know you still remember me. Sobra akong relate doon sa situation ng sender na naiipit between his wife and his father. Relate ako at sobra din ako nagkakaproblem sa mother-in-law ko. 22 years na akong married. Sa simula, sobrang bait ng father and mother in-law ko sa akin. I really appreciated them and in return sobra ang respect and love ko sa kanila. Lumipas ang mga taon parang nag-iiba na ihip ng hangin. Si biyenang babae nagiging mukhang pera at nakikipagcompete, if I may say. Bibilhan ako ng husband ko ng shoes gusto niya siya din at kung ‘yung akin eh discounted price sa kanya new arrival. Marami pang kwento na ganon sa akin. Damit ko na bibilhin tig 500, sa kanya triple the price. Basta sobrang dami ng ganoong issue. I just ignored at pinalagpas ko lahat ng mga ganoong pangyayari. Chill lang ako. ‘Yung pinakabago ay gustong-gusto niyang manood ng sine. I told my husband na hindi yata kakayanin pa ng budget natin kasi she has her maintenance meds worth around 300 daily. So sabi ko uunahin pa ba niya ‘yung luho kaysa pambili niya ng gamot? But still, siya pa din ang nasunod. Sumama talaga ang loob ko,  DJ Chloe. Inaamin ko hindi ko kinakausap at hindi ako kumikibo sa biyenan ko kasi naisip ko napakaselfish niya. Hindi niya naiisip na may pamilya at mga anak na ang panganay niya. Ibig kong sabihin, hindi dapat ganoon. Sana naman unawain niya at pakiramdaman ang financial na sitwasyon namin. At gumawa pa siya ng story na dinadabugan ko daw siya, which is not true. I admit, hindi ko siya kinikibo pero hindi ako bastos na tao para dabugan ko ang isang matanda. I do have high respect sa matatanda at ayokong sa pagtanda ko mangyari sa akin ang ganoon kaya never ever kong gagawin ang ganoon. In the end, siya na mismo ang umalis ng house namin. I apologized sa brother-in-law ko pero hind sa mister ko kasi sa nangyari na ‘yun sobrang pinagmumura ako ng mister ko. Mas mura pa ako sa bilasang isda, DJ Chloe. Mali ba ako sa ginawa ko? Makasarili ba ako? Tell me kung ano pa at kung saan pa ako nagkulang?

    Miss D

    Hi Miss D!

    I seriously understand where you’re coming from. Hindi ko actually alam what advice to give you because to be perfectly honest, I dont really think I can manage living with my in-laws. I value my privacy so much that I really pray God will bless me to have enough when I grow old para ‘di ako makitira sa mga anak ko. Mahal ng asawa mo ang nanay niya. Kaya nakuha ka niyang pagsalitaan ng ganyan. Nagalit siya sa’yo sa pag-alis ng mother-in-law mo. ‘Yan ay dahil mahal niya talaga ang nanay niya at wala kang magagawa dun. Hindi mo rin dapat ikasama ng loob ‘yun. And seriously, kailangan mong intindihin ‘yun, pakisamahan siya, at matutunang ‘wag na lang pansinin or palakihin pa ang mga issues niya sa’yo and why? Kasi ‘di ka naman pwedeng makipag-away sa kany, ‘di ba? Sis, ikaw ang mas nakakaintindi, habaanmo pa ang pisi mo. I understand you are doing everything you can para pakisamahan siya baka kailangan mo pang dagdagan at samahan ng dasal. Baka kailangan mo rin siyang kaibiganin, which I think kaya mo namang gawin dahil nanay siya ng asawa mo, ‘di ba sis?

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.