Mothers Are Great Warriors
X

CHLOE'S INBOX

Mothers Are Great Warriors

March 12, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---MOTHERS-ARE-GREAT-WARRIORS

    Good morning po, DJ Chloe!

    Gusto ko po sana humingi ng advice. Kung ipo-post po ito sana po please paki hide na lang po ang identity ko. Housewife at may dalawang anak—isang 13 years old at isang 10 years old pareho pong boys. Actually po tungkol din po sa anak ko ang ihihingi ko po ng payo. Nakakahiya man po pero ang panganay ko po ay nakita ko na naglalaro ng Summer Time Saga. Isang laro po for adults. Sabi ng kapatid ko ‘wag ako ang kumausap dahil babae ako at maiilang sa’kin ang anak ko. Pero no choice dahil laging busy ang papa niya sa trabaho. At nang kausapin din niya ay umoo lang ito. At nahuli ko na naman siya na naglalaro na naman nito. Sa pagkakataong ‘yun ay kinuha ko na ang cellphone niya at ‘di na binalik pa. Kinausap ko po siya ng masinsinan pero mukang ‘di rin niya naabsorb ang pangaral ko at sabi niya galing lang daw ‘yun sa classmates niya. As in naimpluwensiyahan lang siya. Ang worst pa po ay ginamit niya ang cellphone ko dahil nga ‘di ko pa binabalik ang cellphone niya at nakita ko ang mga nasa search box. Mga bastos din po na salita. Nakakalungkot po, DJ Chloe. Sana po ay mapansin at mabigyan niyo po ako ng advice. Kung okay lang ba o normal ang ganito?

    Worried Mama

    Hello!

    If it’s normal or if you think or believe it’s normal, you wouldn’t be asking my opinion about it. I tried checking online what Summer Time Saga is, hindi ko makuhang panoorin. Or baka ‘di konaintindihan dahil ‘di ko na pinanood o inalam pa ‘to ng extensive kasi parang it’s incestuous. May online game palang ganun? As I’ve said, it is your duty as a parent, as his mother, to intervene and to find a solution to whatever you think is “problem.” If you need to change his phone to a basic phone na pang call lang, do it. Limit his internet use or if not palagyan mo ng parang limitations ang search engine. Halimbawa dito sa amin, pag may website na medyo walang kinalaman sa trabaho naman, lalabas si SOPHOS. Meaning parang nakablock, so you can’t open it. You can also start asking for some professional help. ‘Wag kang mahiyang patingnan ang anak mo sa psychologist. Hindi ‘yun nakakahiya. Mas nakakahiya kung lumala ang addiction niya sa site na ‘yan at mag manifest na sa kung ano ang magawa niya pa. Anak mo ‘yan, no one can question you kung ano man ang gawin mo basta’t alam mong para sa ikabubuti ng anak mo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.