My Open Letter To My Husband
X

CHLOE'S INBOX

My Open Letter To My Husband

February 24, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - MY OPEN LETTER TO MY HUSBAND

    Dear Dj Chloe,

    Hide me na lang as Lisa. Gusto ko lang po sana humingi ng advice kasi medyo magulo na po ang isip ko. I have a partner for seven years at meron kaming dalawang anak. Straight to the point na po, nahuli ko siya na may nilalanding iba. Through messenger sila nag-uusap pero magkasama sila sa work. Masakit na tinext ko siya. Galit na galit po ako noon, ang nasa isip ko kasi ako nasa bahay lang nag-aalaga ng mga bata tapos siya nasa trabaho at may oras pa magliwaliw. To make the story short, naging nagger po ako at mainitin ang ulo simula noon. Last week ang huli naming away, parang bumaliktad ang mundo at siya na ang malakas ang loob umalis ng bahay. Walang araw na hindi ko po iniyakan ‘yun kasi pakiramdam ko wala na siyang pakialam. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan, hindi kami nag-uusap sa bahay kung mag-uusap man casual lang. Nagkaroon ako ng lakas ng loob para kausapin siya kung magiging okay pa ba kami, ang sagot niya lang hindi niya alam. So ang pakiramdam ko hindi na, kasi ganoon ang sagot niya. Ako na nagpakumbaba sa kanya para maayos kaso it turns out na wala na kaming aayusin.

    Open Letter na din po para sa kanya…

    Daddy, sana maging okay ka na. Alam ko medyo masakit ‘yung mga nasabi ko and I’m sorry. Sana maintindihan mo na nasaktan din ako. Siguro may mga pagkukulang ako pero sana ikaw ang gumagawa ng way para maging okay ka. Naging masaya naman tayo ‘di ba? Sana hanapin mo ‘yung problema para mabigyan ng solusyon. Hindi po sagot ‘yung hindi mo pag-uwi sa bahay at pagbalewala sa amin ng mga bata. Sana mahanap mo ‘yung sarili mo kasi baka maligaw ka. Iintindihin pa din kita kahit na anong mangyari. Mahal na mahal po kita.

    Salamat po, Dj Chloe.

    Lisa

     

    You know what, Lisa, never kayong maaayos na dalawa because there is another woman involved. As long as there is a third party involved, wala kayong magiging maayos na usapan or wala kayong maayos na gulo.

    Your partner seems to be having his eyes set on someone else. That’s painful but that’s the truth. He may not be having an affair yet but he is already emotionally unfaithful to you.

    I cannot blame you for being such a nagger kahit sinong babae once malaman mong nambababae ang asawa mo magmomorph bigla. Some can handle it with grace, some losses all the grace and turn into a “nag”, everything you’re not.

    You are not married. How much more if you’re married? Mahal ang annulment. The last time I checked, 250k. Cool ka lang muna. Gather all your strength and take this opportunity para asikasuhin naman ang sarili mo.

    Like what you said, taong bahay ka. If your kids are big enough maybe it’s time to start looking for a job para hindi ka dependent sa ama nila. Pinakahamahirap sa lahat ‘yung wala kang sariling pera.

    I don’t really know what to tell you. Ipaglaban mo siya, maaari. May laban ka ba? Hayaan mo siyang hanapin ang sarili niya nang mahanap mo rin ang sarili mo.

    Him doing this to you is a clear indication of not giving you any value at all. So please, give yourself the value you deserve.

    Sincerely,

    Chloe

     

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.