CHLOE'S INBOX
No One Is A Hopeless Case
January 3, 2018
-


Hi DJ Chloe!
Please hide my name. Avid listener of 96.3 since high school until now (33years old na ako). I just want an advice regarding po sa anak na tomboy ng live-in partner ko. Ngayon na itinapon sa amin ng lola niyang nagpalaki sa kanya at binigay lahat ng luho at pagspoil sa bata.
Ngayon po kasi nakatira siya sa amin since July 2017 and up to now nangungunsumi lang siya dito sa akin sa araw-araw. May fivekids rin akong inaasikaso na mga anak ko. Eto kasing si tomboy pagkagising sa umaga nag-aanatay lang ng almusal after kumain lalabas na ng bahay at pag-oras na uli ng kain uuwi na. Hindi naghuhugas ng pinggan or tumulong man lang sa gawaing bahay kahit nakikita na niyang aligaga ako sa paghatid-sundo sa school sa mga anak ko. At higit sa lahat nangunguha pa ng pera sa alkansya ng anak ko at sa alkansya ko pati papa niya nauuto nya sa mga kasinungalingan niya. Ayaw na siyang pabalikin ng lola niyang nagpalaki sa kanya sa Ilocos dahil nga puro barkada and hindi umuuwi sa bahay nila.
May mother siya na iniwan sila dahil lulong sa drugs. Nag-usap na kami ng partner ko regarding sa attitude ng anak niya dito sa bahay. Pinagsasabihan niya pero balewala lang dun sa anak niya. Makapal yata ang mukha at ‘di marunong mahiya sa akin. 14 years old na siya and hindi siya lumaki sa papa niya. Lagi lang umiinit ang ulo ko pagnakikita ko siya kasi nakakainsulto siya. Pag nakikita niya akong naglilinis na ng bahay pinapanood lang ako o kaya lalabas ng bahay at tatambay.
DJ Chloe, paano po ba ang gagawin ko pang pakikisama, pagtitimpi, at pagtitiyaga sa anak ng partner ko na tamad? As in tamad talaga! Baka kasi pag ako ang magsalita sa kanya ma-misinterpret niya or sumama ang loob at baka lumabas pa na ako ang masama. Gusto ko na siyang bumalik sa kanila sa Ilocos.
Thank you & God bless!Mrs. Anonymous
Hi Mrs. Anonymous,
Have you tried, at least, praying for her?
Maaring lumaki siya sa lola at naspoil ng husto. But I have a feeling she feels unwanted and unloved.
Kahit naman may lola, ang bata, hanap pa rin ang magulang niya.
Consider this na practice mo dahil lima ang anak mo. They will grow up and eventually they will start giving you headaches too. Noon akala ko ang pinakamahirap, ang mag-alaga ng sanggol, magpuyat, magpalaki ng bata.
Hindi pala. Ang pinaka mahirap pala magpakamagulang sa anak mong lumalaki na at nagsisimula ng mag-explore at mag practice ng kanyang reasoning.
This kid you’re talking about needs all the love you and his father can give. Kids who needs the most love will ask for it in the most unloving of ways.
Have you tried being a friend to her? Baka naman you also need to reach out kasi hindi ka rin niya tantyado.
Ikaw ang matanda, at ng pinakasalan mo ang tatay niyan, tumayo ka na rin bilang pangalawang ina.
Be the mother she never had, at least, and you can start by praying for her every day.
She needs it. Wala tayong kakayahang baguhin ang puso ng tao. Diyos lang ang makakagawa nun, kaya ipanalangin mo siya and ask God to help you in this situation.


-
COMMENTS














