CHLOE'S INBOX
No One Knows How Exhausted You Are
May 21, 2018
-


Good evening DJ Chloe,
Hindi ako makatulog. Sana matulungan mo din ako. May anak ako, nag-iisa lang siya, DJ. Toddler na siya. Sabi ng iba spoiled daw anak ko or may ADHD. Ni hindi ko nga alam ‘yun. Mahirap lang kami kung isusunod ko pa luho ng anak ko. Kulong lang ito sa bahay, walang kalaro kaya pag lalabas ng bahay, parang nakawala sa koral. Hindi ko na iisa-isahin ang ugali at activities ng anak ko dahil followers at readers mo ilan sa kakilala ko. Ayaw ko isipin na may problema sa kanya dahil alam kong walang problema talaga. ‘Di ba nagbabago din mga bata. ‘Di naman ako nagkukulang sa disiplina. Ang sa’kin lang (alam ko hindi ka doctor, DJ Chloe ). Kung spoiled/ADHD man sa tingin nila, eh di ganon na. Kung ganon man, mahal ko pa din anak ko. Ang sa’kin lang, nasasaktan ako bilang ina na masyado silang vocal lalo ‘di ko naman hinihingi opinyon nila. Pakiramdam ko iba yata tingin nila sa anak ko ‘pag nakikita nila. Baka iniisip nila mali ang paraan ko ng pagpapalaki? Okay lang ako na lang, pero wag naman anak ko mapag-isipan nila. Salamat DJ sa panahon mo. Okay lang ‘di mapost pero sana kahit payo mo na lang hihintayin ko. Thanks uli.
Hi Ma’am,
Oo naman, tayo na kantiin ‘wag lang anak natin, agree 100%. Pero paano sila nakakapagsabi ng ganyan? Ano po ba ang behavior ng bata na nadi-disturb sila? Meron po kasing mga bata na sadyang cute ang pagkamakulit pero merong maligalig na nakakapagod tingnan. I have na experience with something like this before, I attended an intimate get together with some friends. ‘Yung isa, dinala ‘yung anak niya, around four (4) years old, dinner ‘yun sa bahay ng isang kaibigan. We ended up all so stressed out sa sobrang kakulitan at ingay nu’ng bata. It’s a bit obvious na may ADHD nga ‘yung bata. I also have a cousin na may ADHD. ‘Yung mga ganitong cases po mas maganda patingnan sa specialist kasi para malaman mo how to deal with it. May mga bawal sa kanilang pagkain at ang iba kailangan ng gamot. Kung nadi-disturb po ang iba sa behaviour ng anak niyo. Baka po you might want to consider na patingnan ang bata. Kasi hindi pwedeng lagi lang siyang nakakulong din sa bahay. And if indeed may ADHD, don’t worry it’s not the end of the world, at least you will be able to learn how to deal with and manage the kid’s condition. Kesa kinaiinisan lagi ‘yung anak mo ng iba, mainam na patingnan habang maaga pa.


-
COMMENTS














