CHLOE'S INBOX
Not Good Enough For Her
January 16, 2017
-


Good afternoon, DJ Chloe.
Kailangan ko lang ng advice. Hindi ko po alam kung mab-broadcast po ito sa segment niyo pero okay lang din naman po sa mga comments and advices
I have a girlfriend pa, three years na kami this coming February. She is 26 at ako naman ay 32. Hndi ako tatanggi na gusto ko na siya akitin magpakasal pero meron lang akong gusto maintindihan.
Sa amin kasing dalawa ako yung maeffort. Kahit sa mga simpleng bagay na away namin kahit alam kong siya may kasalanan kasi sobrang moody niya, ako ang nakikipagayos dahil sa ayaw kong patagalin ‘yung away namin at dahil nahihirapan din ang loob ko na hindi kami okay. Ako din kasi ‘yung lalaking gagawin ko lahat maging masaya lang ‘yung taong mahal ko at nagagawa ko naman ‘yun ayon sa kanya.
Meron lang akong hindi maintindihan sa kanya tuwing nagcha-chat mga ex niya, lahat kinakausap niya (everday na nagcha-chat ‘yun kasi ine-entertain niya.) Hindi ako magpapakaplastic DJ Chloe, hindi sa wala akong tiwala pero ‘yung pakiramdam ng isang lalaki na malaman mong kinakausap ng girlfriend mo ‘yung ex niya eh hindi ko maiwasang hndi magtanong at magselos. ‘Yung girlfriend ko kasi gusto niya ‘yung napupuri siya ng ibang tao lalo na ‘yung ganda niya kahit na, oo, totoo naman talagang maganda siya. Hindi lang ata sapat na sa akin lang ‘yun nanggaling at gusto niya sa ibang tao pa. Baka akalain ng lahat sobrang praning ko na pero sino hindi mprapraning kung ang pinaguusapan nila eh ‘yung nakaraan nila. Kasali pa ‘yung sex experience nila. W**, DJ! Hindi ko maipaliwanag pero nag-away kami dahil hindi ko na kinaya ‘yung mga nalaman ko. Anong dahilan bakit pa nila pinag-uusapan ‘yun? Hindi ko na alam ano pa ba matatawg ko sa girlfriend ko sa mga ginagawa niyang ‘yun. Dahil ako hindi ko maintindihan. Siya pa ang galit. Minsan gusto ko makipaghiwalay na lang kahit masakit eh. Kesa ganon yung lagi kong nakikita. Kahit na mahal na mahal ko ‘yung girlfriend ko parang ako naman ‘yung nagmumukang tanga sa mga ginagawa niya.
May paga-asa pa ba mabago ‘yun kahiligan niyang ‘yun, DJ Chloe? Ano dapat kong gawin? Ngayon, galit pa din siya sa akin dahil sa pagtatalo namin. Nakakapagod pero hndi ko kayang sukuan ‘yung girlfriend ko.
Hindi ako nagpapakatinong lalaki dito, DJ Chloe. Nasanay na kasi ang karamihan na ang lalaki pare-parehas lang pero hindi. May ilan na totoong magmahal pero nagagawa padin lokohin ng mga gf’s nila sa hindi maipaliwanag na mga dahilan.
Sana matulungan mo ako, DJ Chloe. More power and God bless!
Kuya
Hi Kuya!
You are a perfect example of a man who is truly in love with your girl.
Ang lalaki talaga ‘pag nagmamahal ng totoo nagmu-mutate ‘yan. Gumagawa ng mga bagay na ‘di nila ginagawa dati. Nag-iinvest ng time, emotion, finances, lahat.
Ang lalaki kapag nagmamahal ng totoo nakakayanang magtiis at umintindi. At may mga kilala din akong lalaki na nakukuhang tanggapin ulit ang babae kahit niloko na sila.
Mapalalaki, mapababae, parehas ang tama sa’tin niyan.
But you have already given yourself an advice eh. Sabi mo, “Nakakapagod pero hndi ko kayang sukuan ‘yung girlfriend ko.”
Hindi ko masasagot kung magbabago pa ugali ng girlfriend mo. Maaaring oo. Maaaring hindi. Masarap sa ego niya ang pinupuri siya. Kahit purihin mo ng purihin ‘yan, kung narcissist ‘yan, mauubusan ka ng adjectives kakapuri sa kanya. Ang ending magpapapuri sa iba. Siya mismo hindi siya nagagandahan sa sarili niya. Kasi if she thinks she is beautiful enough she doesn’t need to be validated by other people.
Hindi rin naman importante ang panlabas. Tatanda ‘yan, tataba rin ‘pag nagka-anak. Ang importante ang kalooban.
I find it off that she still talks about her “past” with her exes and the fact that you know about it makes it all the more off, double, and triple off. I cannot explain that behavior. I am sure you, yourself know what is acceptable or not. ‘Yun lang makipag-usap ka pa sa ex na may boyfriend ka rin naman, issue na ‘yan. ‘Yun pang makipagchat ka at pag-usapan anong mga posisyon ang memorable sa inyong dalawa, respeto sa current partner naman, asan?
I may not be able to give you the best advice here. But I am sure if you fervently ask God to tell you what to do He will direct you in the right path considering na gusto mo nang maging asawa ito.
-
COMMENTS















