CHLOE'S INBOX
He was not a good father, so be a good daughter
July 11, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Obligasyon ko ba bilang anak ang suportahan ang aking may sakit na tatay dahil hindi na niya kaya maghanap-buhay dahil sa sakit niya? Mga bata pa lang kami ng kuya ko nang naghiwalay ang mga magulang namin. May kanya-kanya na silang mga pamilya. Ang nanay ko pumanaw na apat na taon ang nakakaraan. Nu’ng mga panahon na kailangan ko ng magulang madalas wala sila sa tabi ko lalo ang papa. Hindi ko alam kung saan siya hahagilapin para humingi ng pambaon ko. ‘Yung kuya ko napariwara ang buhay dahil walang gumagabay na magulang. Simula nu’ng nag-asawa ako mas natahimik buhay ko. Mas masarap na may tinatawag kang sariling pamilya. Pero bakit ganun may mga panahon na tatawagan ako ng papa para mangutang? Binubungangaan daw sya ng babae niya dun at wala siyang maibigay na pera. Pati gamot niya madalas ako ang bumibili. Nu’ng nakaraang buwan tinakbo ko siya sa ospital dahil sa sakit niya. Ako lahat ang nag-asikaso, gumastos, nag-ayos ng Philhealth, lahat-lahat na. Ni silip sa ospital hindi man lang nagawa ng kabet niya. Tinext ko ang isa sa anak ng kabet niya na kung pwede makihati sa mga gastusin dahil hindi naman ako mayaman at may anak din akong nag-aaral at iba pang pinagkakagastusan. Sila pa ang matatapang. Ni singkong duling wala akong natanggap mula sa kanila. Pero nu’ng panahon na malakas pa ang papa, sila naman ang mga nakinabang na dapat sa aming magkapatid. Paglabas ng ospital, sa bahay namin siya tumuloy para maalagaan ko hanggang sa umaayos ang pakiramdam sabi ng asawa ko. Makalipas ang isang linggo umuwi ang papa sa bahay nila pero wala pa rin pakialam sa kanya ang mga kasama niya dun. Hanggang ngayon dere-derecho ang gamutan niya, ako lahat ang bumibili. Pati pangkain niya ako pa rin ang nagbibigay. Pero hindi ko na talaga kakayanin. Nagkakautang na ako dahil sa dami ng gastusin ko. Nahihiya na rin ako sa asawa ko. ‘Yung dapat na para sa anak ko nahahati dahil sa tatay ko. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko tanungin sa kanya ano ba pinaggagawa niya nu’ng kumikita pa siya. Hindi man lang siya nakapag-ipon para man lang sa sarili niya. Ngayong may sakit na siya at mahina, bakit ako ang nahihirapan? Hanggang kailan ba dapat ako ganito? Gusto ko tumulong pero hindi ko na kaya, hindi na namin kaya mag-asawa. Pero nakokonsensya naman ako kung hindi naman ako magbibigay dahil alam ko walang ibang tutulong sa kanya, pero paano naman ako? Paano naman ‘yung para lang sa anak ko? Sana mabigyan mo ako ng advice. Maraming salamat, DJ Chloe! Your avid listener,
Anak na babae
You know what, magmumukha akong biased kasi napakabait ng ama ko. He was a very good provider for us, he took care of all of us, he believed so much in me that I can truly say he supported me in all of my endeavours. I love my dad so much. When he died, para kaming mga ibon na binato ang pugad na nagtalsikan lahat. I do understand ang dami rin sa inyo na hindi maganda ang relationship sa inyong mga magulang, and I cannot blame you for that kasi wala kayong naging mga role model. Impaired agad ang trust ninyo, dahil imagine, pabayaan kayo ng taong dapat eh kumalinga sa inyo. Sanggol pa lang tayo, dun na nagsisimula magbuild ang trust natin, kung sa pag-iyak ba natin na gutom tayo eh bibigyan agad tayo ng gatas, lilinisin kapag dumumi o umihi. But you know I also believe, we can’t keep blaming our parents for steering us in the wrong direction. The moment we’re old enough to take the wheel, responsibility lies within us. Responsibility to forgive and to be grateful to them at least, for giving us life, what we do with this life… na tayo na ang magdedesisyon, eh regalo na natin sa Panginoon. The Bible has a clear instruction about how we should regard our parents, “Honour your father and your mother, so that you may live long in the land the LORD your God is giving you.” It’s the only command/instruction that comes with a promise. And God is faithful when He gives a promise. Your father was not a good parent to you. So, will you be a bad daughter now? Ang nag-aalaga ng magulang pinagpapala. I’ll leave that to you, sis, so you can ponder on it.
-
COMMENTS















