Do Not Offer Your Presence To Everyone All The Time
X

CHLOE'S INBOX

Do Not Offer Your Presence To Everyone All The Time

May 24, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---DO-NOT-OFFER-YOUR-PRESENCE-TO-EVERYONE-ALL-THE-TIME

    Hi DJ Chloe,

    Good noon po. I just want to share my story. Itago niyo na lang po ako sa pangalang ‘Jenny’. Gusto ko lang po i-share ‘yung nangyari sa’min ng boyfriend ko. Medyo naguguluhan po kasi ako sa kanya. Incoming two (2) years and three (3) months na po sana this coming 24 pero last month po monthsary namin ay nagsimula ang hindi namin pagkakaintindihan. Nag LSM po kasi ako sa kanya tapos medyo nagtampo ako kasi ang nireply niya sa sobrang habang message ko ay 5 words only and guess what, DJ Chloe, wala manlang bati o di kaya ay “I love you” man lang. Hanggang sa tinanong ko siya kung masaya pa ba siya sa relasyon namin. Ang sabi niya ay masaya naman siya pero dahil sa mga pagkakamaling nagagawa ko ng hindi ko alam ay nalulungkot daw siya. Humingi ako ng tawad para sa mga pagkakamali ko pero nakipaghiwalay siya. Hindi ako sumagot o pumayag pero sa tingin ko ay tinuturing niya na na hiwalay na kami base na rin sa sinasabi niya sa iba na wala na kami. Pero sa’kin, hindi pa. Hanggang sa makalipas ang isang linggo mahigit ay pumunta ako sa kanila. Naabutan ko doon ang ilang kamag-anak niya at may iilan na hindi nakakakilala sa’kin kaya pinakilala niya ako. Nagulat ako kasi ang pakilala nya sakin ay girlfriend niya pa din ako. DJ Chloe, naguguluhan na po ako. Sa tingin niyo po ba, tama pa na umasa ako na magkakaayos pa kami gayong hanggang ngayon ay cold pa din siya sa’kin at iniiwasan ako kahit ganoon ang pakilala niya sa’kin sa mga kamag-anak niya?

    Jenny

    Hi Jenny,

    Magulo nga siya. Pero hindi mo kailangang madamay sa pagiging magulo niya. He tells his relatives na girlfriend ka and yet gives you a cold shoulder and doesn’t treat you like one anymore. Eh bakit mo naman kasi ipinipilit pa ang sarili mo sa taong ayaw na sa’yo? It seems to me sinabi niya lang ang gusto mong marining sa harap ng mga kamag-anak niya kasi alam mo, neng, words and actions are always needed to validate each other. Talk to him one last time to know the real deal. And if he tells you ayaw niya na, then accept it. It might hurt for a while but you know what, you’ll eventually get over it and in the long run you might even be thankful na nahiwalay ka sa kanya.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.