CHLOE'S INBOX
Nothing’s Easy
April 12, 2016
-


Today on #ChloesInbox…
Hi DJ Chloe,
Please call me Rhissa. ‘Di ko alam pa’no ako mag-iisip sa mga oras na ‘to. I’m on a bad shape nowadays. I’ve met a guy on a dating site and super sweet siya sa’kin. ‘Di ko ga’no pinapatulan ang mga cheesy lines niya para ‘di ako mahopia. Ang g’wapo talaga niya sa pictures at lalo ako na-starstruck sa personal nang magmeet kami. Ang sweet pa rin niya. ‘Di ako makapaniwala na kaht under the weather ang looks ko ay ‘di nalubay ang tingin niya sa akin. Feel ko na love nga niya siguro ako nu’ng mga oras na ‘yun. Sabi ko sa kanya naiintimidate ako sa kanya kasi sobrang good looking siya. As in gusto ako saksakin ng mga nakakasalubong namin sa daan kasi ang pogi ng kasama ko.
Until nasira ng konti ‘yung mood ko kasi nakipagdate ako ng walang paalam sa parents ko. Mukhang ayaw niya ng sakal ako ng parents ko dahil pinilit nila ako umuwi. Nakaset na ‘yung mga lakad namin pero nawala ‘yun dahil pinapauwi na nila ako. Sumakit talaga ang ulo ko. Medyo na down siya kasi ‘di na ‘ko energetic nang umuwi kami sa condo niya. Natulog ako ng two hours yata pero ‘di niya ‘ko ginising para mgdinner. Pero nagdinner naman kami later on at okay na okay kami pag-uwi. Sobrang sweet pa din niya and he asked me if we can do it. Hesitant ako kasi kakatapos lang ng period ko pero mapilit siya. Kung ganun ba naman kagwapo ang kasama ko nablangko na ang isip ko at ginawa na namin ‘yun. Pero after nu’n parang awkward na. We slept together but facing the walls.
‘Di kami nagharap while sleeping. ‘Di ko alam ang reaction na tama kasi ang weird talaga. He never looked me at me in the eye. But we still talked. May bisita siya na kamag-anak nu’ng tanghali at pinakilala niya ako ng casual. Sabi niya uuwi na daw ako, sabi ko oo kasi parang gusto na niya akong umuwi eh. Nu’ng nasa bangko kami tinanong niya ako kung anong plans ko for future. Sabi ko ‘di ko alam. ‘Di ko alam kasi ‘di ko alam kung ano ba kami. ‘Di ko keri mag-assume. Kami ba or friends lang? Sabi niya we’re good, boyfriend/girlfriend, parang ganun at nag-uusap kami sa loob ng car nu’ng bago niya ako ihatid. May kausap siyang lawyer by 7pm pero nasa daan pa kami ng 5pm kasi traffic at naligaw kami dahil ‘di ko alam pa’no magcommute at ‘di rin niya alam ang daan dahil eight years na siyang wala sa Pinas. Nu’ng maghihiwalay na kami sa terminal feeling ko ‘di ko na siya makikita but pinilit kong magstraight face while leaving. He kissed me once and I walked away. Nu’ng nagmessage siya sa’kin feel ko ‘yung casual na lang ‘yung pakikipag-usap niya sa’kin. No sweet words, just simple “God bless and take care”. Until now matipid na siya magmessage at sabi niya he’ll meet me before siya bumalik ng Japan. Pero ‘di na siya sweet. Ano po ba ang ie-expect ko? Help me naman po. Worried lang po ako na baka mabuntis ako ng bigla dahil sa one night affair namin at ‘di ko na siya makausap. ‘Di ko na po alam sinong kakausapin ko eh. Wala po akong ibang outlet para makapahinga ng sama ng loob ko sa kanya. Sana po ay matulungan niyo ako sa gumugulo sa akin. Sobrang basag na basag ang puso ko DJ Chloe. ‘Di ko alam kung naturnoff ba siya nu’ng nagwala sa phone ang parents ko dahil sumama daw ako sa ‘di ko kilala.
Rhissa
Hi Rhissa,
I don’t think the reason is about your parents. I strongly believe the reason why he has decided to ignore you deliberately is he already got what he wanted from you without even lifting a finger!
A man no matter how playful he is, how brutally womanizer he is, still would find someone who will challenge him, who has values, and he wasn’t challenged with you at all.
Everything you felt, ‘yung biglang gusto ka na niyang umuwi, being distant and cold, lahat ‘yun totoo. All of your gut feel is true.
One time I asked a guy, “what do you feel after you’ve had sex with a girl you don’t love?” The answer was really harsh. Kung p’wede daw sipain na nila palabas ng kuarto, sisipain na nila. See? If you have guy friends ask them, you will know.
I don’t want to further rub salt to your wound. I just hope that this is a humbling experience for you. Kahit ako magulang mo magwawala ako lalo kung malaman ko ang ginawa mo. At lalo kung magbunga ng remembrance. Few minutes of glory, lifetime responsibility. Buti kung maanakan ka lang. Eh kung sakit pa iniwan sa’yo? Lesson learned. I hope you really did learn your lesson well.
Sincerely,
-
COMMENTS














