CHLOE'S INBOX
On My Own
February 23, 2018
-


Dear DJ Chloe,
Please hide my identity po. Halos everyday po inaabangan ko ‘yung mga kwento at mga payo mo. Pantanggal po ng stress at para din makalimot. Isa po akong single mom, 30 years old and may anak na 5 years old. Dati po may work akong maayos pero po nu’ng naghiwalay kami ng tatay ng anak ko nagstay at home na po ako. 10 months old pa lang po baby ko nun. ‘Yung father ko po ang sumusuporta sa amin. Wala na po kasi ‘yung mother ko bago pa ako manganak at sabi nga po ng father ko na alagaan ko na lang daw po anak ko habang bata pa. Nagkaroon din po kasi ng ‘di magandang experience kami sa yaya ng anak ko nu’ng nagwo-work pa ako. So from 11 months old siya ‘til now ako po nag-aalaga. Si father ko naman po may girlfriend na bago. Habang stay at-home po ako ay nagsisikap po akong mag-aral, napagtapos ko sarili ko ng short course at ngayon meron ng small business. ‘Yung father ko ‘di po supportive sa ganun kahit sabi ko ‘di naman ako humihingi ng extra pa sa kanya. ‘Yun pala nasusulsulan ng girlfriend niya na todo support pa ‘yung father ko e matanda na daw kami ng mga kapatid ko. Si girlfriend po at may two (2) kids din at seven (7) years lang tanda sa akin. Nalaman po namin ito sa relative namin na friend nu’ng girlfriend ng father ko. Anyway po, ngayon po bigla na lang gumawa ng issue ‘yung father ko, lahat pinagalitan na kami. At ang ending, bigla pong tinigil ‘yung support sa amin, two (2) months ago. ‘Yung father po ng anak ko, nagsusupport naman ng P3,000 lang per month dahil may family na siyang bago. DJ Chloe, sana po kahit papaano matulungan niyo po akong makapag-isip ng maayos. Gulong-gulong na po ako. ‘Yung small business ko po enough lang para pangkain namin mag-ina. ‘Yung pera iniikot ko lang po para makakain kami. Nagkautang na po ako sa dalawa kong kaibigan para mabayaran lang ‘yung rent ng bahay namin for two (2) months at ‘yung mga bills. Ngayon po due na naman ako, awang-awa na ako sa sarili ko at sa anak ko. Gusto ko po man magtrabaho wala naman po ako mapag-iwanan sa anak ko. ‘Yan po una kong ginawa pero up to now, wala pa rin po. Sobrang down ko na po kasi. Iniisip ko na nga na sana naghanap na lang ako ng asawa noon para kahit papaano may katuwang ako, ni wala nga akong mapagsabihan ng problema ko. Naging mapili po talaga ako noon kaya for five (5) years wala akong naging karelasyon. Ayoko na po kasing magkamali pa at nagfocus po talaga ako sa anak ko. ‘Di na po ako magkapag-isip ng maayos at sobrang depressed na po ako. Naiisip ko nga po iwan muna anak ko sa tatay niya para makapagwork ako pero ang mag-aalaga daw is ‘yung mother ng asawa niya ngayon. Nakakahiya po at natatakot po kasi akong ipagkatiwala anak ko sa iba. Nagsusumikap naman po ako sa business ko ngayon pero hindi po sapat.
Ang masakit pa po is nagkaaway-away pa kaming magkakapatid dahil sa issue nga po sa father namin. Sila po okay lang na mabuhay ng wala father namin dahil may mga work sila. Ako po, naipit sa gitna at ang ending binitawan pa rin po kami ng support ng father ko. Hirap na hirap na po isip ko.
Hi Dear,
We really shouldn’t rely on anyone to support us.Alam mo hindi rin guarantee na kapag nag-asawa ka eh may katuwang ka na. Sigurado ka na magiging katuwang mo ‘yan? Alalahanin mo may anak ka at hindi niya anak ‘yan, konti ang percentage ng lalaking aakuin ang obligasyon na buhayin ang anak mo na hindi niya anak.
Mahirap pa niyan, baka mapagod ka, eventually ipapakisama mo anak mo sa kanya, at ipapakisama mo siya sa anak mo paglaon. Kapagod, neng.Well, meron namang mga success stories, but if you must marry in the future, should be because of love at hindi para may katuwang ka. ‘Di ka naman baldado.
Isa lang naman ‘yan eh, trabaho lang kailangan mo at isang mapagkakatiwalaang mag-aalaga sa anak mo, na oo, mahirap hanapin pero possible pa naman na makahanap ka, any relative? Pinsan? Just make sure na safe ang pag-iiwanan mo sa bata.
Malaking sakripisyo pero kailangan mo nang magsimulang magplano ano ang gagawin mong mga hakbang. Hanap ka muna ng work kasi sabi mo nga maganda work mo dati so may kapasidad kang makakuha ng trabaho agad. ‘Wag ka na lang munang maging mapili.
Let this be a lesson to you, ngayon alam mo na. Hindi mo pwedeng iasa ang buhay mo sa iba. Sad but true, trabaho talaga kailangan natin. Walang trabaho, gutom ang mga anak, kawawa ang mga anak ‘di makakapag-aral.
Napakahirap maging isang single mom at minsan kukutyain ka pa ng iba na parang kasalanan mo na kung iisipin, sila kaya? Kakayanin kaya nila?
Tatagan mo ang loob mo dahil mahaba pa ang byahe mo. Take it from me na isa ring single mother.
Ituloy mo lang ang pagdarasal mo pero sabayan mo ng pag-iisip at pagpaplano, ask God to give you the wisdom, and the strength to carry on.
Alam ng Diyos na wala kang katuwang, kaya you will be blessed if you just seek Him with all your heart.
At this point, dear, God is all you have. Sounds cliché but I have been thru trying times too, when all I had was God. Only then I learned He is all that I need.
Don’t worry, no situation is forever. Makakabawi ka rin.


-
COMMENTS














