CHLOE'S INBOX
Be With The One Who Really Wants To Be With You
July 24, 2017
-


Hi DJ Chloe,
Please don’t reveal my real identity. Salamat po.
We’ve been together for more than a decade. We’re high school sweethearts but just recently we broke up because I found out that he still have an affair with his ex. To give you a background, we broke up four years ago and nagkagirlfriend siya. One month palang sila pero nabuntis na niya agad. During that time it wasn’t an issue at all because I want him back in my life and that was the first time na naghiwalay kami.
After five months nagkabalikan kami. I thought it was the start of a new beginning but I was wrong. The good foundation that we built was all gone. ‘Di naging madali nu’ng nagkabalikan kami kasi palagi na’kong nagdududa. Akala ko sa paglipas ng panahon mawawala rin ‘yun pero hindi. Madalas na rin niyang nasasabi na napapagod at sawa na siya sa ganun. Ako rin naman napapagod na kakaselos at kakaisip. Nakakastress ‘pag ang dami-daming tumatakbo sa isip mo tapos hindi man lang ako ina-assure na wala akong dapat ikabahala. Madalas pakiramdam ko nababalewala na ako. Natitiis niya akong ‘di kausapin ng ilang araw na dati hindi niya ginagawa. Last year, nagkita at nag-usap kami nu’ng babae sinabi ko ‘wag niya munang sabihin sa boyfriend ko na nagkita kami kasi gusto kong magkaharap-harap kami at mamili siya sa’min .Pumayag naman siya pero kinabukasan nagback out at sinabi na pala niya sa boyfriend ko ang plano ko kasi alam daw niyang ako ang pipiliin. Pinili ako ng boyfriend ko over that girl, binigay niya sa’kin ang cellphone na ginagamit niyang pangtext dun.
Gusto ko ng bumitaw nu’n pero nagmakaawa siya na pagkatapos daw lahat ng pinagdaanan namin bakit iiwanan ko siya. So I gave him another chance, okay naman pero ganun pa rin ‘yung pakiramdam ko. Nandun ang duda at takot na baka sila pa rin. Sinabi ko sa babae na lumayo na siya sabi niya sige. ‘Di ko na siya kinausap pagkatapos nun. Tapos nito lang dahil napapadalas ang away-bati namin at iba ang nararamdaman ko chineck ko ang Facebook nu’ng babae at nakita ko ang picture nila. Ang sakit kasi wala akong ibang ginawa kundi bigyan siya ng chance pero paulit-ulit pa rin siyang nagloloko. Sinabi ng babae sa’kin na kahit anong mangyari hindi siya lalayo, habambuhay siyang makikihati sa akin. Ayoko ng may kahati, DJ Chloe. Kaya ako na ang lumayo. Hindi pala madaling makipaghiwalay sa taong kahit paulit-ulit kang sinaktan at niloko eh mahal mo pa rin. Sa tinagal-tagal namin marami rin siyang nagawang magandang bagay para sa’kin pero sa ngayon mas nananaig ‘yung sakit. Aasa pa ba ako o hahayaan ko na lang siya? Sa ngayon wala pa siyang effort na ginagawa para maging okay kami ulit.
Thanks,
Sexy Farrah
Hi Farrah,
For more than a decade you never planned on getting married? No proposals?
I could have encouraged you to hold on but after realizing na ‘di mo naman siya asawa pala, I’d encourage you instead, to take a rest from all the pain and sacrifices and start being good to yourself.
As you’ve stated, walang effort sa part niya na maging okay kayo ulit.
So what does that mean? Ikaw mag-effort? NO. It means it’s parting time, my friend. Ganun talaga. May simula, may wakas, may forever din. Pero ‘di mo sa kanya makukuha ‘yun.
If you want him to be your forever, consider mo na na laging may kahati ka. Imagine, sabi nu’ng isa for life siyang makikihati? Ang kambal nga nagkakahiwalay din eh, ano siya? Anino mo?
Bigay mo na sa kanya and free yourself from stress. It’s not worth it. ‘Di porke matagal na kayo eh kelangan maging kayo. Kaya nga may TADHANA, ‘di ba?
I always tell people this, especially those who are having a hard time moving on, God loves us so much that He takes away people that doesn’t deserve to be in our life. It’s just painful but once you’ve put your trust in His beautiful plan in your life, you will understand that He needed you go through the pain because what’s in store for you is something more grand and according to His perfect will.
So let go, Farrah. The more you’re hanging and holding on the more you’re delaying what’s truly meant for you.


-
COMMENTS














