CHLOE'S INBOX
Parenting is not an easy job
July 24, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Gusto ko po humingi ng advice sa’yo, sa mga listeners mo po at sa mga commentators mo po. Nahihirapan na po kasi ako magdecide. Meron po akong 18 year-old son and 14 year-old daughter. Nareceive na po namin ng son ko ang US visa while ‘yung daughter ko hindi pa kasi need pa niya ng immunizations for her medical. Meron pong needle phobia ang bunso ko, halos three (3) months na po kami nagpipilitan, nag-iiyakan at naiistress para lang sa five (5) shots niya. Ilan na rin po ang mga nakausap ko na mga health professional para makatulong at makahingi ng advice pero need po talaga na mabigyan ng shots ang bunso ko. Naghihintay na po ang asawa (American) ko sa US at gusto na rin po mag-aral ng panganay ko, masyado pong attached sa akin ang bunso ko kaya naguguluhan na po ako kung sino ang pipiliin kong samahan. Ang panganay ko na kailangan na mag-aral sa kolehiyo sa US or ang bunso ko na may mild epilepsy at kailangan din ako. May mga pamilya naman po ako dito at mahal ang mga anak ko pero alam ko na walang hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Hihintayin ko po ang mga payo ninyo. At maraming salamat po.
Mrs. Z
Wow, mahirap nga. Question, hindi ba pwede administer ang mga shots niya na tulog siya? Sabay-sabay ba ito? Kasi kung sabay-sabay considering na may needle phobia siya eh talagang horrific ‘yan sa kanya. Alam ba ng bunso mo na may possibility na maiwan siya if she doesn’t get the shots? Maybe if she learns about this it might give her the courage to have the shots taken? Eto naiisip ko na pwede mong gawin, samahan mo si panganay papunta sa US, settle mo muna siya dun until maka pag-enroll at magstart ng mag-aral. Then balik ka kay bunso para sunduin siya. In that case baka pag naisip niya na miiwan siya, she might gather all her courage to go through her medical. Parehas ka kailangan ng anak mo eh, as a mother, you have to find a way na maibigay sa kanila both the attention that they need from you. Mahirap naman pwersahin ‘yan kasi baka atakihin ng mild epilepsy niya.
-
COMMENTS















