Passing Through Stages Of Marriage
X

CHLOE'S INBOX

Passing Through Stages Of Marriage

July 4, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---PASSING-THROUGH-STAGES-OF-MARRIAGE

    Dear DJ Chloe,

    I wrote here before, tanda ko single pa ‘ko nu’n, ’til I get married, and now having two kids, second one is coming this September.

    I’ve consulted and shared some problems or situations before na ‘di ko kayang i-share to anyone kundi dito lang and this is my third one siguro.

    I don’t know where to start but ang pinakaproblem kasi naming mag-asawa is financial. Nanlulumo na ‘ko sa mga problemang dumarating sa buhay namin. May times walang pagkain, pang-commute to work, and pambaon, na minsan nahihiya na din ako tanggihan dahil biyenan ko minsan nagbbgay ng pamasahe at food ko para lang makapasok for work.

    Nalugi kasi ‘yung business ng mister ko and all the investors need to pull out or we have to return the money that they invested. The problem is humina na kasi ‘yung business and wala talagang malikom. The other one is pinapa-hunting pa asawa ko dahil gusto na nila maibalik ‘yung pera pero sinusubukan pa rin niya lahat ng ways para maibalik ‘yun, kahit mahirap talaga because it’s a very big amount.

    May work siya from his best friend kaso hindi pa ganun ka-establish ‘yung company. Kaya nangangapa pa rin kami everyday. And every day for us is a survival. Nahihirapan din ako dahil hindi sapat ang sahod ko para sa lahat ng needs namin. Lalo na’t manganganak na din ako this September. Madalas sa dami ng problema bigla na lang napatak mga luha ko, iiyak sa gabi, yayakapin ko na lang siya minsan dahil ‘di ko na din kaya. To the point na minsan mas gusto ko ng maunang mamamatay sa kanila dahil ‘di ko na kaya ang mga nararamdaman ko at nakikitang sitwasyong ganito. Pero naiisip ko ang mga babies ko. Lalo na ‘yung panganay ko. Nakakaawa kung mawawalan siya ng ina. ‘Yung puso ko puro sadness, wala na ‘kong makitang hope. Pero ‘yung asawa ko ginagawa niya pa rin lahat para lang mabayaran laht ng investors. I feel so depressed, so sad, and at times wala na ‘kong gana sa work ko. Pero pinipilit ko na lang pumasok dahil ito lang ang bumuhay sa’min. Kahit hindi sapat at bayad-utang lang lahat. Kahit anak ko minsan pass sa mga vaccine niya dahil kulang talaga sahod ko to compromise all the needs of my child, sa pagkain, sa gatas, sa diaper, pamasahe and food.

    Kung minsan ayoko na magising dahil hirap na din ako physically, mentally, and emotionally. Kung dati sa panganay ko alaga ko siya sa tiyan ko for nine months. This second baby medyo napapabayaan ko na pati sarili ko. Hirap din ako physically. Sa umaga asawa ko nag-aalaga sa kanya kaya sa hapon siya makakakilos at gawa ng paraan for this problem sa investors. Minsan naman sa biyenan ko naiiwan baby ko.

    I don’t know kung ano pa ang dapat kong maramdaman. Walang pera, walang pampaanak, I don’t know what to think. Minsan maskit na sa ulo mag-isip. Pero alam ko namang humahanap siya ng solusyon. Hirap lang talaga ako. Dahil sagot lahat ng sahod ko kahit hindi na kaya. Nanlulumo na din ako dahil kahit pampaanak ko hindi kami nakaready dahil ng pgkalugi ng kabuhayan. Halos wala na din akong gana sa lahat. Ultimo darating na kaarawan ko hindi ko na naalala siya lang nakaalala, ang asawa ko. Gusto pa rin niyang makapaghanda kami kahit konti lang s kaarawan ko. Pero hindi maisip magcelebrate dahil sa ganitong sitwasyon ng buhay namin. Alam ko meron din mas mahirap pa ang sitwasyon sa’min at hikahos. Iba-iba naman kasi talaga. Lumalala nga lang itong samin lalo na’t malpit na ‘ko manganak. I don’t know what to do anymore. Anak ko ang iniisip ko kasi naaawa ako sa kanya. Ang dami ko din pangarap sa kanya at sa kinabukasan niya. Pero everyday parang bangungot. Enlighten me, DJ Chloe, I know that’s life, we struggle for everyday, but this one is different. Kung nararamdaman mo lang at naiisip lahat ng na sa’kin, DJ Chloe, masyadong mabigat, malungkot, at depressing.

    Need your enlightenment, DJ Chloe, because I, myself can’t do it anymore.
    More power and God bless po.

    Ms. Sadness

     

    Hi Miss Sadness,

    ” Kung nararamdaman mo lang at naiisip lahat ng na sa’kin, DJ Chloe, masyadong mabigat, malungkot, at depressing.”

    Ay! Maraming beses na po. Iba-iba tayo ng pagsubok. And I am sure, if you know me, if you know my struggles, what I breathe every day,  you will not trade your life, even your problems, to what I have .

    Believe me, you’re not the only who has went through something like this. Sana lang napaintindi niyo sa mga investors niyo na kapag nalugi ang negosyo, lugi din sila. Lalo’t nag-invest lang sila. ‘Di naman sila nag-isip pa’nong gagawin at pa’no patatakbuhin. Risk nila ‘yun for investing. ‘Yan ang ‘di ko maintindhan sa iba. Kung takot kang matunaw ang pera mo, itago mo sa banko or i-time deposit mo or if not invest it in mutual funds or equity or anything na mga low risk investment. Maraming insurance company ang nag-ooffer niyan, aralin lang natin. Kahit sa mga ganyan may lugi din. Kaya lagi nating ipanalangin na maganda ang ekonomiya lagi ng Pilipinas. Diyan nakasalalay ang mga investements natin sa mga malalaking kumpanyang pinagkakatiwalaan natin para sa mga retirement natin.

    You’re lucky your husband is focused on being able to solve this problem. A marriage has a lot of tests, you know. Isa na d’yan is the test of problem solving.  A couple in love faces problems frankly and tries to solve them, you’re lucky may karamay ka.

    Kaya be an encouragement to your husband and at the same time unwavering in your faith that we have a God who can turn situations around in an instant for you. He can do that! He can very much do that. Just ask Him, cry to Him ngayon. Honestly, ang Diyos lang ang makakapagbigay ng tulong sa’yo. I don’t know how but my faith tells me He has this figured out already for you. Sabi mo nga kulang ka pa siguro sa dasal, ang sagot ko sa’yo hindi kulang ka sa paniniwala.

    You know, this can also be the best time for you to reflect on why you both ended in this situation. Somewhere along the way may mali kayong decisions na nagawa and you have to acknowledge them.

    When I look back upon my own life, I realized all the struggles I had, all the problems I encountered, I did it all to myself. Kagagawan ko, desisyon ko, ginusto ko. I don’t blame anyone but myself. Kumbaga sa t-shirt and etiketa, pangalan ko nakalagay. Kaya sana lahat ng tao matutong tumanggap ng pagkakamali nila sa buhay. Mas magaan , promise.

    And looking back, I survived because all those times I didn’t know what to do. I’d always find myself locking in my room and on my knees in prayer. I’d ask for God’s intervention with all humility to save me from danger, from being shamed and disgraced, from everything that can do me harm and I would humbly ask Him to forgive me every time I offended Him. And humbly accept ano mang pangdi-displinang ginagawa Niya. And honestly, I could really feel His hand working on my problems. It is amazingly beautiful. I hope you can also experience that.

    ‘Wag mong susukuan ‘to, ate. Remember those times na masaya ka? This is only a part of your life that you have to go through and after going through this I’ll tell you , you will be stronger than you were before.

    Kung walang makain, tanggapin ang tulong ng magulang, ng ibang tao. This is not the time para pairalin ang pride.

    Andyan ang asawa mo, gumagawa ng paraan, sabayan mo siya.

    Kausapin ang mga taong may sabit kayo, lahat nadadala sa maayos na usapan, wala din naman silang magagawa kahit pitpitin kayo dahil wala na nga nalugi na negosyo niyo. Bayaran kahit paunti-unti at sana,  I pray na maintindihan nila kayo imbes na ipitin kau ng ipitin.

    ‘Wag ng magpumilit magcelebrate ng birthday kung talagang walang-wala. Sve the money for your delivery. And if walang pampa anak, lunukin ang pride, we have public hospitals naman ‘di ba? Ako nga panganay ko when I gave birth sa ward lang eh. Eh sa wala talagang pera, anong magagawa? Ang importante mailabas mo siya ng maayos.

    My dear, hindi ka p’wedeng sumuko. You know why, because you have kids. At ang laban na ito para sa mga anak mo.

    Pera lang ang problema mo, ate. Ang pera kayang kitain at kikitain mo pa ‘yan, ‘wag ka lang susuko. Pero ang buong pamilya mahirap gawin and matinong asawa mahirap makakuha niyan. At ang supportive na magulang, hindi lahat meron niyan.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.