CHLOE'S INBOX
Patience Is Always A Virtue
December 7, 2017
-


Hi DJ Chloe,
Good day po. May gusto po sana akong itanong. Kung pano sagutin ang tanong din ng iba sa’kin. ‘Yun bang “kelan ka mag-aasawa?” 31 na po ako. Natry ko na ‘yung dating sites. Chat-chat ganun. Pero wala din nangyari. ‘Yung reto-reto na in the end confirm juding.Nagkakagusto din naman ako sa iba. Ni-try kong mapalapit sa kanila. Pero after nun nagre-resign ang ending. Hindi po ‘ko ligawin. Mukha daw akong mataray. Hindi din naman ako kagandahan. Hanggang sa one time napagod na akong hanapin si Mr. Right/Wrong. Nakakainis lang kasi every time na may family gathering or may maencounter akong ibang tao, bonding with barkada, new work group, ‘yan ‘yung lagi nilang tanong sa’kin. ‘Di ba sila napapagod tanungin sa’kin ‘yun. Or kasi happily married sila? Nakakapressure at nakakastress. Thank you po in advance.
Miss G
Hi Miss G!!
Alam mo walang pinagkaiba ‘yan sa “Ba’t ang taba mo ngayon?” O kaya, “Uy , ba’t ang taba mo!?”
Kakairita, ‘di ba? Sasarap sapatusin!
Anyways, ‘wag!!!! Na wag kang magpapapressure sa mga ganyan. Hindi mo obligasyong mag-asawa dahil lang gusto nilang mag-asawa ka na. Kahit pa magsara na ang matres mo wala silang pakialam.
Hindi sila ang mag-aasawa at hindi sila ang makikisama. Hindi rin sila ang magbubuntis at mag-aanak at hindi rin sila ang bubuhay sa mga magiging anak mo.
Enjoy being single, dahil napakaraming bagay ang hindi mo na ma eenjoy kapag may asawa ka na.
Swertihan din ang pag-aasawa, hindi lahat nakakakuha ng matino at mabait, ngayon kung ikaw mismo gusto mo na rin mag-asawa, ipanalangin mo sa Diyos ‘yan. Ibibigay Niya ‘yan sa’yo, in HIS time.


-
COMMENTS














