Pick The One You've Never Tried
X

CHLOE'S INBOX

Pick The One You’ve Never Tried

January 26, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - PICK THE ONE YOU'VE NEVER TRIED

    Good day po DJ Chloe,

    Pakitago na lang po sa code name na Ms. Taurus. I’m 33 years old at hiwalay na sa asawa at may isang anak na 12 years old na girl. Mag dadalawang taon na kaming hiwalay. Dahil nu’ng time na nagsasama pa kami halos lahat nalang sa’kin niya inaasa. Pero pareho kaming may work. Pero nu’ng time na ‘yun mahina ang fctory na pinapasukan niya kaya halos lahat ng gastos sa’kin. Ni hindi ko siya nakitaan na gumawa ng paraan dahil siya ang lalaki.

    Hanggang, sa work ko, may guy na naging ka close ako at siya lagi ang napagsasabihan ko ng problem ko. At bilib ako sa kanya dahil pagkatapos ng work naman may other work pa siya na papasukan. At isa ‘yun sa hinangaan ko sa kanya. Na sana gano’n din ang asawa ko. Pero ‘di ko nakita ang pagtulong sa’kin. Hanggang sa maghiwalay na kmi.

    To cut the story short naging kami nu’ng workmate ko. May live-in partner din siya at dalwang anak. That time may problem din sila ng live-in partner niya. Na ‘di niya nakikita ang pag-aasikso na hinahanap niya sa asawa niya. Hanggang naging kami at umabot na kami ng isang taon. Sabi niya ‘di na sila ng live-in partner niya pero  nagsasama pa rin sila dahil ‘di niya maiwan ang mga anak niya. Lagi niyang sinasabi na kaya lang sila nagsasama ay para sa anak nila. DJ Chloe, mahal ko po siya. Nalilito po ako. Kasi may ka-chat din ako na Indian at 9 months na kami magkachat. Nagwo-work siya sa Qatar as chef ng isang hotel. Nag-Skype na din kami at masaya ako pagkausap ko siya.

    Sinabi rin niya sa’kin na gusto niya pumunta dito para makita ako. Alam niya lahat about sa’kin. At alam din ng boyfriend ko ang about sa kachat ko na sabi niya i-block ko na sa Facebook pero ‘di ko ginawa. Sabi ko tapusin na lang namin ang relasyon namin at magstay na lang siya sa family niya pero ayaw niyang akong bitawan. DJ Chloe, nalilito na po ako. Mahal ko ang boyfriend ko pero masaya din ako sa ka-chat ko na pupunta dito by February para makita ako. Ano po ba ang dapat kong gawin. Salamat po sa inyong mabibigay na advice, DJ Chloe at more power po sa inyo. God bless. Thanks.

    Ms. Taurus

    Dear Ms. Taurus,

    Eto na naman tayo, foreigner na naman. Sure ka na chef nga ‘yan sa Qatar? Baka nanghiram lang ng uniform at nagluluto lang sa kusina para mapakita sa Skype na chef siya. Hahaha!

    Anyways, you like this guy. But you have a boyfriend. But this boyfriend of yours is with someone, may ka-live in. Maybe what you can do is to make things right.

    1. Hiwalayan ang boyfriend mo na may ka-live-in na hindi maiwan ang ka-live-in dahil sa anak niya (nek-nek niya kamo sa rason niyang ‘yan.)
    2. Mag soul searching. Mag-isa muna sa buhay. Maging masaya muna na single ka at walang pinoproblemang lalaki.
    3. Magpaganda at asikasuhin ang sarili at ang ANAK.

    The solution to your problem is simple, do the right thing.

    You will let this Indian chef come over, eh me sabit ka pa nga. Ending mo niyan tulad ng letter sender kahapon.

    Sincerely,

    Chloe

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.