Relationship Killer
X

CHLOE'S INBOX

Relationship Killer

December 14, 2015

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - RELATIONSHIP KILLER

     

    Hi, Dj Chloe!

    Please hide my identity. I am 24 years old. I have a live in partner for almost seven years now. Mayroon po siyang tatlong anak at simula po ng nagsama kami ay ako na po ang tumayo bilang pangalawang nanay ng mga anak niya. Kasal po siya sa tunay na nanay ng mga bata pero nang makilala ko siya apat na taon na silang hiwalay dahil po sa nangaliwa ‘yung asawa niya. Sa ngayon po ay nandito kami sa Manila ng mga kids niya at ‘yung partner ko po ay security guard sa Laguna. Dahil po sa work niya wala na po siyang oras sa amin. Weekly po siya umuuwi pero sobrang dalang namin mag-usap. Kahit sa text walang time. Alam ko naman po at ramdam ko na wala naman po siyang iba at pinanghahawakan ko ‘yung sinabi niya sa akin na ako na lang ang babae sa buhay niya. Nahihirapan po ako kasi hindi ko po maiwasan na paghanapan siya. Hindi po kasi siya ‘yung tipo ng lalake na sweet at malambing. Bilang na bilang ko po ‘yung time na sinabihan niya ako ng “I love you”. Naguguluhan na po ako sa nararamdaman ko for almost seven years attached na po ako sa mga anak niya. Parang tunay na anak na ang turing ko sa kanila at alam kong parang tunay na nanay na din ang turing nila sa akin. Sa tatay po nila ako ngayon nag-iisip. Hanggang ngayon po kasi hindi ako sigurado kung talagang mahal din niya ako. Minsan sinabi niya sa akin na gusto niya kami na ang magkasama hanggang sa pagtanda at ako daw ang nagbangon sa kanya. Masipag naman po siya at responsableng tatay sa mga anak niya. Pero nakukulangan ako sa kanya bilang partner. Please, Dj Chloe, I need your advice. Mahal ko po siya, pero hindi ko na po alam ang gagawin ko.

    Susie

    Dear Susie,

    I don’t see any problem with him except that he is still not making things right for both of you. And that is what’s giving you so much insecurities. Hindi ka pa kasi tunay na asawa. I am sure that you have been told several times by people close to you that you are in the losing end here. You are 24 now. Live in for seven years. So you were together since you were like 18? Practically, you have given the prime of your life to a man who made you mother of three in a snap. If that makes you happy then so be it. The problem is not really a problem, the way I see it. And the solution is very simple, you just have to be honest and tell him and talk to him about what’s bothering you. As you have said, he is responsible and it seems ang problema lang naman ay nakukulangan ka sa atensyon at “pakilig ” na salita. Duda ka kung mahal ka talaga? Ask yourself muna, what does he have to do so you will believe na mahal ka nga niya? Pag alam mo na, tell him about it. Kung kasal ‘yan, then tell him he needs to file for an annulment so he can marry you at ng mawala na ang mga duda mo. Pero isa lang masasabi ko hindi lahat ng kasal at nagsasama, nagmamamahalan at masaya.

    Sincerely,
    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.