Relationship Requirements
X

CHLOE'S INBOX

Relationship Requirements

February 9, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---RELATIONSHIP-REQUIREMENTS

    Hi DJ Chloe,

    More than one year na kami ng girlfriend ko. Pero mula pa lang nu’ng una madalas kami nag-aaway. Feeling ko ‘di siya sincere sa relationship namin. Kasi kahit maliit na bagay lang ang ‘di napagkakasunduan, hiwalayan ang lagi niyang solusyon. At last year, February 13, nag-away kami, as usual. At kung ano-ano mga sinabi niya sa’kin. Kesyo t*nga daw ako kasi habol ako ng habol sa kanya. Wala daw ba akong kadala-dala? Kasi laging ako sumusuyo sa kanya kahit siya ang may mali. Tapos kinabukasan, February 14, Sunday ‘yun. Nagpupunta sila ng parents niya sa church tuwing umaga. Nagtext ako sa kanya nu’ng umaga na pupunta ako sa kanila para makipag-usap. Pinagmumura niya ako sa text noon at galit na galit siya. ‘Wag na ‘wag daw ako pupunta dun. Although  kilala naman na ako ng parents niya. Ayun, pumunta pa din ako. Naghintay ako sa harap ng bahay nila. Nakaupo lang sa tabi ng kalsada. May dala akong flowers at chocolates. Tinuloy ko ‘yung plano kong bago pumasok sa work eh dumaan muna sa kanila para magbigay sa kanya ng flowers at chocolate sa Valentine’s Day. Pero nu’ng dumating na sila, nakita na ako ng nanay niya at nakangiti ng parating. Iniabot ko sa girlfriend ko ‘yung flowers pero ‘di niya ‘ko pinansin at tinalikuran niya ‘ko sa harap ng magulang niya. Kundi pa sinabi ng nanay niyang kunin niya ‘yung flowers, ‘di niya kukunin. At nag-anniversary kami nitong December. Pero bago pa ‘yun, nag-away kami nu’ng October. And then, halos buong November kami ‘di nag-usap. Nagkaayos lang nun bago mag December. ‘Di kami lagi nagkikita, DJ Chloe, sabi ko nga sa kanya baka pwede siya maglaan ng oras para maipakilala ko siya sa parents ko. Kaso laging ang dami niyang reason. And then suddenly, kung kausapin niya ako sa phone at text pakiramdam ko ayaw niya ‘kong kausap. Pati sa call at text wala na siyang time. Kaya nagdecide akong pumunta sa kanila ng ‘di niya alam. Nu’ng dumating ako, kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya at sa kilos niya. Nang lumipas ang isang oras na nandun ako, hiniram ko cellphone niya. Sabi niya kukunin niya lang sa kwarto niya kasi nakacharge. 15 minutes akong naghintay bago siya lumabas. ‘Di ko alam kung bakit 15 minutes siya magtanggal ng cellphones sa pagkakacharge. Tapos nu’ng hawak ko na, sabi niya mag-cr lang daw siya. Kaya kinalkal ko cellphone niya. May nakita ako sa cellphone niya pangalan ng lalaki at isa pang naka save na may picture din ng lalaki at Korean ang name. Nu’ng tinignan ko messages ng sa Korean, wala. Nu’ng tinignan ko ‘yung sa isang lalaki, may convo sila. At ang girlfriend ko unang nagtext, “Hi bby.” Ang sabi nya at “hello, by” ang reply ng lalaki. November last year ‘yung date. Nu’ng tinanong ko kung sino ‘yun, wala lang daw kaibigan lang. Siya pa galit sa’kin.

    DJ Chloe, worth it pa po bang ipaglaban at panghawakan ko relationship namin? Thanks sa advice, DJ Chloe.

    Andy

    Andy,

    Hindi. Medyo malikot ang bungo ng girlfriend mo. Sorry ha.

    But it seems na mahal na mahal mo siya na parang ikaw ang babaeng nagttyaga sa kanyang maghintay na magbago. Well, just as there are men who are not worth the time may mga babae din talagang player and maybe you are with someone who is like that.

    Hindi naman normal na tawagin mong “baby” ang isang lalaki , or tawagin kang “baby” ng isang lalaki kung wala kayong something.

    The signs are clear. The truth is screaming but you still want to ask me if it’s worth it. Well only you can tell  if it’s worth it.

    Sa kwento mo lang kasi ako magbe-base. Mukha ka naman perfect boyfriend. Pero nakukuhang ipahiya at murahin ng girlfriend mo, ‘di ba?

    So maybe some things not right. If I were you, if you really want to know where you stand in someone else’s life, take a step back and let them be. Deprive her of your presence so you will know if she will come after you or she won’t notice at all.

    Maybe letting go can be your only choice.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.